Advertisers

Advertisers

POSTER NG KAMATAYAN

0 23

Advertisers

‘SPY-TAGGING’ Poster ng mga walang kaluluwang New People’s Army ang ngayon ay kinatatakutan sa mga kanayunan.

Ang mga poster na ito, ay ipinakakalat ng NPA na taglay ang mga larawan ng mga taong kanilang pinaghihinalaang nakikipag-ugnayan sa militar, o kaya’y bumitaw na ng pagsuporta sa kanila.

Kaya ang tawag ay spy-tagging poster, dahil tinagged na nila ang mga taong ang larawan ay nasa poster at para sa kanila ay kailangang mamatay.

Hindi ka ba babalutin ng takot kung ikaw ay magawan ng poster na ganyan? Wala na talagang magawang magaling itong mga komunistang-teroristang NPA.

Kaya naman mariing kinondena ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagkalat ng tinaguriang mga “WANTED” poster na naglalagay kina Gerald Mangao, Erick Simogan, at Zena Punada Candelario Segui bilang “taksil sa bayan” at nag-aalok pa ng pabuya kapalit ng impormasyon hinggil sa kanilang kinaroroonan.

Ang mga materyales ay inilathala sa Facebook page na “Villagers Point of View 2.0,” na kinilala ng mga awtoridad bilang isang propaganda portal na nakaugnay sa Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP–NPA–NDF) network.

“Ito ay hindi simpleng retorika sa online. Ito ay organisadong psychological warfare,” pahayag ni Ernesto Torres Jr., Executive Director ng NTF-ELCAC. “Kapag ang mga indibidwal ay hayagang binansagang ‘espiya’ o ‘taksil’ nang walang ebidensya o due process, inilalagay nito ang kanilang buhay sa malinaw at kasalukuyang panganib.”

Batay sa monitoring ng NTF-ELCAC, 26 na sibilyan ang pinaslang noong 2025 lamang matapos ma-“spy-tag.” Marami sa mga biktima ay karaniwang mamamayan—mga magsasaka, forest guards, at miyembro ng komunidad—na ang tanging “kasalanan” ay ang magsalita laban sa communist terrorist group o tumangging suportahan ang marahas nitong agenda.

Yan ba ang sinasabing nagmamahal sa bayan? Handang pumatay ng kapwa kababayan!