Advertisers
Inuungkat ngayon ng mga taga Oriental Mindoro ang naging anunsyo noong Abril 14, 2025 ng mababang presyo ng kuryente at maaasahang suplay na ipinangako ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor sa mga residente na magsisimula sa Hulyo 2025 ang P7-pesos per kilowatt matapos lagdaan ng Oriental Mindoro Electric Cooperative Inc. (ORMECO) at mga supplier ang kasunduan na 57MW Guaranteed Dependable Capacity (GDC).
Ayon sa anunsyo ng gobernador, simula Hulyo 2025, mararamdaman na ng mga taga Oriental Mindoro ang ginhawa sa kuryente na inaasahang bababa sa P7. 39 per kilowatt na generation cost.
Bukod dyan paulit-ulit din umano ang brownout sa Oriental Mindoro sa kabila ng pangako ng ORMECO at nang gobernador na bababa ang singil ng kuryente.
“Tuwing may brownout, naaapektuhan ang mga ospital, nagiging sanhi ng aksidente, nasisira ang paninda, nalulugi ang mga negosyong umaasa sa kuryente, nakakaantala sa ilang gawain at may nakatatanggap ng singil na umaabot sa P1-milyon”. – sabi ng isang konsyumer
Ayon naman sa mga residente, walang konkretong solusyon ang ORMECO General Manager Engr. Humphrey Dolor.
Puro pangako naman itong si Gov. Dolor na susulusyunan at ibababa ang electric rate subalit lahat ng yan ay napako. Hinaing ng mamamayan bakit ayaw palitan ang ORMECO bilang electricity provider, kaya tuloy-tuloy ang pagkaantala ng solusyon sa matagal nang power crisis sa probinsya.
Nananawagan sila ng agarang aksyon at imbestigasyon upang mapanagot ang utility company at masiguro ang maayos at abot-kayang kuryente para sa lahat.
Humihiling din nila na ipakita ang totoong malasakit sa mamamayan at tapusin ang paulit-ulit na problema sa kuryente at iwasang mangako kung hindi naman tutuparin.
Ilang taon na ang problemang brownout sa Oriental Mindoro na hinahayaan lamang ng mga namumuno sa Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) na magdusa ang mga residente na mamuhay sa karimlan. Paano natitiis ng magkapatid na Engr Dolor at Gov Bonz Dolor ang kanilang mga kababayan na walang ilaw, hindi magamit ang mga electrical appliances dahil walang dumadaloy na kuryente.
Ang matindi pa, sa kabila ng nararanasang walang kuryente, mataas pa rin ang binabayarang konsumo. Nakakagulat na mataas ang electricity bill ng consumers kahit walang naihahatid na magandang serbisyo. Hindi na makatao ang nangyayari sa probinsiyang ito na napagkakaitan na ng kuryente ay mataas pa ang babayaran at maraming appliances ang nasira dahil sa patay-sinding kuryente.
Ang Oriental Mindoro Electric Cooperative (Ormeco) ang nag-iisang power distributor sa probinsiya. Halos araw-araw na inuulan ng batikos ang kooperatiba dahil sa palpak nilang serbisyo. Subalit tila hindi na nakakaramdam ng mga namamahala sa ORMECO kung paano mapabuti ang serbisyo nila.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com