Advertisers
A high school classmate in the US who had been on the trail of the ICC’s probe on FPRRD called up only to say his comment on the pieces of evidence the internalional criminal court presented on the first day of the confirmation of charges for crimes versus humanity against the former Philippine leader.
Sa tutuo lang din naman, natutukan ko ang unang araw ng paglalahad ng confirmation ng mga crimes against humanity sa You Tube laban sa dating pangulo. Sa unang bungad ng ICC trial lawyer na Julian Nicholls maliwanag ang pagka ka-outline niya ng mga krimen na siyang basehan ng pagdinig…gayon na rin ang makadamdaming paglalahad ni Atty. Joel Butuyan na siyang tumatayong tagapagtanggol ng mga biktima at kanilang mga kamag-anak.
Nag-ugat ang lahat ng inisa-isang kasong pagpatay ng mga hinihinalang “pasok” sa illegal drugs nuong si Duterte ay dating Alkalde ng Davao City hanggang sa siya ay naging Pangulo nuong 2016.
Kalaunan, inilabas ng prosecution team ang nilang audio-visual scenes na nagpapakita ng mga vtr clips na lumabas sa national at maging sa international media ng mga karumal-dumal na kaganapan kung saan pati mga minor-de-edad ay napabilang sa mga naging biktima na OPlan Double Barrel ng PNP.
Sa sumunod na paghaharap sa ICC nabanggit na rin ng prosecution team ang mga pangalan nina dating CPNP na ngayo’y Senator Bato dela Rosa, dating Special Assistant to the President at ngayo’y Senator Bong Go, dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, dating CPNP Vicente Danao at ang isang dating NBI Director na may direct hand at partisipasyon sa pagpapalaganap sa “war on drugs” na ito ni Duterte na ikinasawi ng mahigit libong suspected drug dealers/couriers.
Sa aking mga mambabasa … Kung mayroon kayong nais ipabatid ay mangyaring ipadala sa Police Files Tonight at nang ang inyong kumento ay mailathala natin na siyang buod ng ating Freedom of the Press (Information Act). Maraming Salamat po.