Advertisers

Advertisers

Kauna-unahang Adult Day Care, binuksan sa Maynila

0 25

Advertisers

Nagbukas ng pintuan ang isang pribadong sektor at isang wellness advocate para magbigay ng pag-aaruga at serbisyo sa mga elderly at senior citizens ng lungsod ng Maynila.

Sa pagbubukas ng kauna-unahang Adult Day Care , naging pangunahing panauhin si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa pagbubukas at blessings ng Olof’s Wife Day Care for Adult Care sa CT Tower sa San Andres Bukid, Maynila.

Ito ay maituturing na pangalawang tahanan ng mga matatanda kung saan makakatulong din sa kanilang pamilya lalo na kapag walang maiiwan sa kanilang bahay at nasa trabaho.

Ayon kay Mylene “Mae” Vinulan-Dolonius na siyang nakaisip ng konsepto , naisip niyang itayo ang Adult Day Care dahil sa naging karanasan niya sa kanyang asawa na mayroong dementia.

Aminado si Dolonius kung gaano kahirap ang kanyang pinagdaanan at harapin ang mga pagbabago pero natuto na tanggapin sa pamamagitan ng pasenya,pagmamahal,pagod at biyaya at dito natutunan kung ang tunay na kahulugan ng pag-aaruga .

Ikinatuwa rin ni Mayor Isko at pinasalamatan ang inisyatiba ni Dolonius na aniya ay nakalinya sa polisiya ng lungsod para sa mga seniors na mabigyan ng kahalagahan .

“The very least that we can give to our elders that we make them feel is that may gobyerno na ipinagmamalasakit yung ating mga nakatatanda”, pahayag ni Domagoso.

Ito aniya ay isang ‘unique’ sa Pilipinas at isang bagay na maaring gayain ng iba pa sa buong bansa dahil ito ang kauna-unahang itinayo at binuksan na Day Care Center ng mga matatanda sa pamamagitan ng inisyatiba ng pribadong sektor.

“Sana marami pang ipanganak itong inumpisahan”, ayon pa kay Mayor Isko.

Ang pasilidad ay mayroong living room ,dining area , small kitchen ,nap room at espasyo para sa mga aktibidad gaya ng music therapy at card games.

Ang lugar ay idinisenyo base sa apat na portals — ang Home,Connect,Pause and Renew. (Jocelyn Domenden)