Advertisers

Advertisers

ANGELINA JOLIE NAKATULONG KAY ASHLEY ORTEGA

0 46

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Kontrabida ang papel ni Ashley Ortega sa Apoy sa Dugo.

Lahad ni Ashley, may mga pinanood siya na pelikula at palabas para may mapaghugutan siya ng atake niya sa kanyang karakter.

“Actually, sobrang dami ko pong pinanood na psychological movies and series to prepare for my character here sa show na ito.

“Wala naman talaga akong basically, like, ‘Oh, okay, itong character na to ang gagayahin ko siya.’

“Marami akong pinanood, e, just to get inspiration.

“But, of course, I still want to give a touch of my own, of my own character as Ashley.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

“So, nanood ako ng mga movies. So, talagang nakatulong sa akin si Angelina Jolie sa Girl, Interrupted [1999 film ng Hollywood actress].

“Yung role niya kasi doon, she’s a psychopath. So, kung paano siya mag-isip, paano siya mag-manipulate ng tao.

“Sa series din naman, I watched Killing Eve.
“Yung appearance niya, yung movements, kailangan kasi consistent.

“Iyon yung gusto kong gawin talaga to portray my role perfectly and mabigyan ng justice.

“So nag-prepare din ako physically, not just emotionally and mentally, kasi gusto ko maiba siya sa mga past na ginawa kong kontrabida role, para physically intimidating na siya.”
Bukod kay Ashley, bida rin sa serye ang magkasintahang sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Kasama rin sa cast sina Pinky Amador, Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, Cai Cortez, Toniyuh, at Larkin Castor.

Mapapanood na Apoy sa Dugo GMA Afternoon Prime simula Lunes, March 2, 2026.