Advertisers
Ni Anne Venancio
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa kanyang mga tagahanga sa patuloy na pagtangkilik sa kanyang mga proyekto at personal na desisyon. Inilahad niya ito sa isang event ng lokal na bangko na kanyang ineendorso nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Bernardo, mahalaga sa kanya ang tiwalang ipinagkakaloob ng kanyang mga fans, kahit na may mga pagkakataong hindi sila nagkakasundo sa pananaw. “They trust me with the projects that I do, the way of how I want to present myself, and even the decisions I make—even if we don’t always agree,” aniya sa kausap na Star Magic talent na si Aiyana Perlas.
Binanggit ng aktres na labis niyang pinahahalagahan ang respeto at suporta ng kanyang tagahanga, lalo na sa mga pagkakataong nagkakamali o nahihirapan siya. “I’m just really grateful… yun ‘yung trust na talagang vina-value ko at prino-protektahan ko more than anything,” dagdag niya.
Samantala, handa na si Bernardo sa kanyang pagbabalik-televsiyon sa seryeng Someone Someday, kung saan makakasama niya sina James Reid at Maja Salvador.