Advertisers
Nakipag-partnership ang Casio Computer Co., Ltd. sa TOYOTA RACING para sa isang dalawang taong collaboration na nagsimula nitong Enero 2026.
Layunin ng partnership na palakasin ang global promotion ng EDIFICE sports watch ng Casio—isang linya ng relo na kilala sa precision, bilis, at makabagong teknolohiya na hango sa mundo ng motorsports.
Ipinakikita ng kasunduan ang magkaparehong values ng TOYOTA RACING at EDIFICE, kabilang ang tuloy-tuloy na innovation, paggamit ng advanced technology mula sa world-class racing, at passion para sa speed. Sa ilalim ng partnership, magbibigay ang EDIFICE ng mga relo sa TOYOTA RACING team para sa FIA World Endurance Championship (WEC) season. Makikita rin ang mga logo ng CASIO at EDIFICE sa paligid ng headlights ng kanilang mga racing car.
Ang TOYOTA RACING, na dating kilala bilang Toyota Gazoo Racing, ay aktibong lumalahok sa FIA WEC at NASCAR. Nakatuon ito sa development ng engine, powertrain, at iba pang advanced automotive technologies. Ang rebranding bilang TOYOTA RACING ay sumisimbolo ng bagong simula habang mas pinalalakas nito ang ambag sa hinaharap ng motorsports at pakikipag-ugnayan sa mas maraming fans at partners sa buong mundo.
Ayon sa Casio, tugma ang collaboration na ito sa kanilang layunin na maghatid ng “new levels of joy to lives one by one” sa pamamagitan ng innovation at design. Sa partnership na ito, inaasahan ng kumpanya na mas maipapakilala pa ang EDIFICE sa mga fans ng high-performance watches at motorsports sa global market.