Advertisers

Advertisers

“Crack da Kraken”

0 17

Advertisers

Ayon mismo kay June Mar Fajardo ay hindi naman siya talaga interesado sa basketball noon.

Sumasama lang daw siya sa utol niya na talagang mahilig.

Pagkatapos ng haiskul sa Pinamungajan HS ay 6’5 na siya pero hindi pa bihasa sa sport na ito.

Komo mahirap lang sila ay hindi kaya ng mga magulang niya na tustusan kanilang kolehiyo.

Naghanap sila ng mga eskwelahan na pwede magbigay ng scholarship.

Pinagtiyagaan siya ng tatay na si Bonifacio na ihatid araw-araw sa mga tryout at ensayo.

” Kahit gusto ko na mag-quit ay nagpursige ako kasi nahihiya ako sa aking papa na todo suporta naman,” eka ni The Kraken.

” Alam nyo grabe sakripisyo ng father ko talaga, kahit sa pagkain yung para sa kanya ay ibibigay pa sa akin, ” dagdag ni June Mar.

Sa almusal daw kasi ng kanin at bbq na pinagsasaluhan nila ay sa kanya na rin ang bahagi ng ama.

Hayun nagbunga ang pagtitiyaga.

Napasok sa University of Cebu at eka nga sa wikang Ingles ay the rest is history.

Masasabing pinakamatagumpay na player sa kasaysayan ng PBA. 9x MVP sa liga na mahigit sa doble ng susunod na cager na may apat lang. May 12 beses din na mahalagang bahagi ng kampeon na team.

Siyanga pala Sotto ang Cebuanong higante sa side ng ina. May mga ganyang apelyido sa Cebu gaya ng pamilya ni Sen Filemon Sotto.

***

Mismo si Mayor Leni Robredo ang No. 1 cheer leader ng Team Naga. Nasa siyudad ng Legazpi ang dating VP upang manguna sa pagpalakpak sa mga atletang Naguenos na kalahok sa Palarong Bicol.

Mga 800 na manlalaro ng Naga ang nagmartsa sa opening ceremonies ng regional na paligsahan noong Linggo.

Ganyan dapat ang lider kahit walang pasok ay patuloy ang paglilingkod sa lungsod.

***

Kahit maganda game ni Justin Brownlee ay olat pa rin ang Gilas sa Australia sa MOA noong isang gabi. Nakabente puntos ang ating naturalized player subali’t tanging si Quentin Millora-Brown lang ang may isa pang double figure.

Hirap talaga tayo sa Boomers na mas matatangkad kahit pa halos Team B nila ito.

Malaking bagay na wala sa line up si Kai Sotto.