Advertisers

Advertisers

SABWATAN NG MGA PROFESSIONAL SQUATTER AT ILAN CHAIRMAN SA Q.C., MILYONES ANG KINI-KITA

0 85

Advertisers

May sabwatan umano ang samahan NG MGA PROFESSIONAL SQUATTER at ilan chairman sa Quezon city partikular na sa Barangay Batasan hills hanggang sa kahabaan ng Commonwealth Avenue hanggang Fairview na kung saan milyon-milyong PISO ang kinikita kada transaksyon.

Napag-alaman na ang sinasabing sabwatan ng dalawang panig ay ang illegal na pagpapatayo NG MGA Bahay at istruktura sa lupang hindi nila pag-aari ng walang abala at balakid.

Lumalabas na may kunsinti at blessing ang mga ito SA chairman na may hurisdiksiyon sa lupang kanilang tatayuan ng istruktura.

Patay-malisya lang daw na walang naririnig at maki-kita ang mga chairman. Plesing-plesing lang daw ang mga ito na para bang wala silang kinalaman at pakialam sa mga kaganapan.

Well-funded anila ang grupong ito kung kaya’t mabilis na nabubuo at naitatayo ang kanilang pinapagawang mga istruktura.

Picking apples lang daw ang mga ito dahil bawi rin AGAD ang kanilang pinu-hunan sa loob lang ng tatlo hanggang limang buwan.

Ito raw kasing pinatayong MGA Bahay at gusali ay AGAD ding inuupahan ng kahit sinong tao na may pam-bayad.

Sa kabilang-dako naman, walang kamalay-malay ang lehitimong may-ari ng lupa na pinagkikitaan na pala ng chairman at ng mga squatter ang kanyang lupa.

Madalas daw nang-yayari ang ganitong situwasyon kapag hindi masyadong napag-tutuunan ng panahon ng land-owner ang kanyang lupa o dili kaya ay nasa malayong Lugar o kaya’y naninirahan na sa ibang bansa.

Kahabag-habag naman ang sasapitin ng land owner na walang kamalay-malay na okupado na pala at pinagki-kitaan na ang kanyang lupa.

Mantakin mong tax-exempted pa ang mga damuhong mga iskwater dahil ang may-ari pa rin ang nagbabayad ng amilyar taon-taon.

Sa kabila ng mga sakripisyong ito ay problema pa rin ng may-ari ang pagpapaalis sa mga tampalasang mga iskwater na ito na sila pa ang magdidikta ng kanilang gustong mangyari at kondisyon.

Nandyan na ang obligahin lang bayaran sila, bigyan sila ng relocation at marami pang iba.

Lehitimong mga walanghiya ang mga ito dahil sa tagal ng panahon nilang pinakinabangan ang lupa ng walang puhunan ay obligado ka pang sila ay bigyan hanggang sa huli tsk… tsk… tsk…

Kanya nga professional SQUATTER kung sila ay tawagin dahil ito ang kanilang propesyon at hanap-buhay na walang ibang puhunan kundi ang okupahan ang lupa ng may lupa.

Kung makapal ang mukha ng mga squatter ay sampung doble ang kapal ng chairman na kumunsinti sa mga ito.

Mantakin mong makapagpatayo ng mga gusali at istruktura ang mga ito na gawa pa sa bato at marmol he. he… he…

Anyari, papaano nakalusot sayo iyan chairman eh wala namang pinanghahawakan titulo at papeles ang mga iyan.

BAKIT MO INISYUHAN NG BARANGAY CLEARANCE NA PERSONAL MONG PINIRMAHAN.

Di ba iyong ang unang requirement bago ka bigyan ng building permit ng city hall?

Huwag ka ng humirit pa chairman, Sabihin mo na lang kung magkano kinita niyo ng KINATAWAN NG MGA PROFESSIONAL SQUATTER dyan sa Lugar mo na si RICARDO O. RESTERIO?

Biruin mong makapagpatayo kayo ng limang pintong apartment, dalawang three storey building, hardware at iba pang paupahan sa lupa ng di niyo pag-aari.

MABUHAY KA CHAIRMAN AT SA IBA RING CHAIRMAN NA IISA LANG SA MUNDO PAG-DATING SA KAWALANGHIYAAN.