Advertisers

Advertisers

62 barko ng China namataan sa WPS – PH Navy

0 19

Advertisers

NASA 62 mga barko ng China ang namataan sa loob ng “economic exclusive zone” (EEZ) ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) ayon sa Philippine Navy.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, WPS spokesperson, mula Feb. 1 hanggang Feb. 28 nasa 62 mga Chinese vessel ang namataan sa EEZ ng bAnsa sa WPS na patuloy na minomonitor ang mga aktibidades ng mga nasabing barko.

“Ang 62 mga Chinese vessel namataan sa Bajo de Masinloc – 23 vessels (11 People Liberation Army Navy 12 Chinese Coast Guard (CCG)); Ayungin Shoal – 17 vessels (2 PLA-N, 15 CCG); Escoda Shoal – 13 vessels (6 PLA-N, 7 CCG) at Pag-asa – 9 vessels (5 PLA-N, 4 CCG).



Sinabi ni Trinidad na ang pananatili ng nasabing mga Chinese vessel ay nagpapakita lang ng iligal na presensya ng mga barko ng China sa loob ng EEZ ng bansa.

Isinaad ni Trinidad na nananatiling nagmamatyag at patuloy ang pagmomonitor sa mga maritine activity ng mga Chinese vessel sa WPS. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">