Advertisers

Advertisers

“Bulong Ng Damdamin” Ni Rozz Daniels, Highly Recommended Ng YT Music At Pasok Sa Popular Songs Sa iTunes; Nunungan VM Marcos Mamay, May Karapatan Na Maging Film Director

0 29

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Hindi pa man officially release ang latest single revival ni Rozz Daniels na “Bulong Ng Damdamin.” Aside sa positive reviews and reactions, ng mga nakarinig na sa 2026 version ito ni Rozz, na composed ng respected at icon na si Doc Mon del Rosario. Nire-request na rin ito sa aming Showbiz Vlog sa PPA ENTERTAINMENT NETWORK. Na nagpapa-happy at smile siyempre kay Rozz, at may mga nagkakagusto na sa soon to be release niyang kanta. Nagbibigay inspirasyon sa “Pop Rock Diva” ang ganitong mga feedback sa nasabi niyang awitin. Tapos highly recommended pa ito ng Youtube Music, iTunes, at Spotify.

Sa YT Music ay makikita na kahanay na ng Bulong Damdamin ni Rozz ang Araw Gabi ng Retrovivals, Sino Ka Ba ni Pablo, Josh Cullen, at SB19, at ng Midnight Alchemy ni My Boy Arlo. Samantalang hindi pa ito gaanong napo-promote ni Rozz. May mga nag-streamed na rin nito sa Spotify at iTunes. At patuloy ninyo itong maii-stream.

At soon ay nasa Amazon Music, Apple Music,

Deezer, Flo, Adapts na rin ito at sa marami pang music digital platforms. By the way, in connection with the promotions of her Bulong Damdamin, ay ngayong month of May, ay magkakaroon ng bonggang Birthday Concert si Rozz, at may ka-back to back siya rito at mga guest. Magpapatawag siya ng mediacon para rito. Exciting di ba?

***

After ng produced movie niyang “Mamay” na kanyang biopic. Na humakot talaga ng maraming awards sa iba’t-ibang award giving bodies. At maganda rin ang naging resulta nito in terms of kita. Now, ay may bago uling pelikula si Nunungan, Lanao del Norte Vice Mayor Marcos Mamay at ito ay “KAPPA-TIRAN.” At kung sa Mamay ay si Jeric Raval ang bumida, dito sa Kappa-Tiran ay si Ejay Falcon naman ang lead actor kasama ang maganda at mahusay na aktres na si Sheryl Cruz. Nag-start na ito at tuloy-tuloy ang shooting ng buong cast sa mismong lugar ni VM Mamay sa Nunungan na isa ng maunlad na bayan sa Lanao del Norte. Smooth sailing ang shooting dahil bilang co-director ni Neal “Buboy” Tan. Nakagabay at suporta lagi si Bise Mamay sa mga artista sa latest film niyang ito. Honestly, sa aming nakikita in the near future ay maliban sa pagiging movie producer ay pwedeng maging mahusay na film director itong si Mamay at malaki talaga ang potential niya sa larangang ito. Yung pag-obserba niya at silip sa camera during shooting ay yan ang magiging puhunan niya para maging isang filmmaker. And besides he is the producer of his independent film outfit Mamay Productions. So, pwedeng sa next movie niya ay si VM Mamay na ang magiging director. Ilan pa sa sikat ns cast ng Kappa-Tiran ay sina: Bembol Roco, Baron Geisler, Patricia Javier, Sam Coloso, at marami pang iba. Naku, siguradong pang-award na naman ang pelikulang ito ni VM Mamay. Well, congratulations and Good luck!