Advertisers

Advertisers

3 Pinoy na espiya ng China bayad ng malaki – AFP

0 10

Advertisers

INIHAYAG ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Tri-nidad, nitong Sabado na ang espionage activities ng tatlong Pilipino para sa China ay ang pangunahing dahilan malaking bayad, kabilang ang kapalit na mataas na sahod at malalaking bonus mula sa kanilang Chinese handlers.
Ayon kay Trinidad, kumikita ang mga suspek ng apat hanggang anim na digit para sa impormasyong kanilang ibinibigay, at nakakanggap din sila nang malalaking bonus.
“The modus operandi are all financial from 4 to 6 digits ang halaga,” ani Tri-nidad.
Napag-alaman na pinapa-dala ang bayad sa kanila sa pamamagitan ng digital wallets o food couriers kapalit ng impormasyong kanilang ibinibigay.
Isa sa mga espiya ang nakunsensya nang minsang makita ang ginawang pagbangga ng barko ng China sa barko ng PCG kungsaan ilan sa mga Pilipinong tauhan nito ang nasaktan.
Sinabi rin ni Trinidad na isang navy officer ang nagsumbong nang tangkain i-recuite ng isang babaeng dayuhan at simulan nito ang paghingi ng mga sensitibong impormasyon.
Sinabi rin ng AFP, ang pagre-recruit ng mga Pilipinong nasa Navy ay sumabay sa panahong nabisto ang espionage activities ng China kabilang ang kaso ni Alice Guo, ang “Palawan 5” na naglalagay ng CCTV sa paligid ng Ulugan Bay, at ang mga nahuli sa Grande Island at Chiquita Island.
Ayon sa National Security Council (NSC), ang mga ope-rasyon ng mga suspek ay natigil na, at lahat ng Pilipinong sangkot ay kanilang kinilala sa pagdi-diskubre ng secret communication ng mga ito gamit ang isang gaming app.
Samantala, mariing itinanggi ng Chinese Embassy sa Maynila ang mga alegasyon na kumukuha ang China ng mga Pilipino upang magsagawa ng espionage activities sa Pilipinas.
Ayon kay Embassy spokesman Ji Lingpeng, ang mga paratang ay pawang gawa-gawa lamang. Iginiit niya na sinusunod ng China ang prinsipyo nito sa hindi makialam sa usapin ng ibang bansa.