HONEY, ISKO, NAGKITA SA MUSOLEO NI DATING VM DANNY LACUNA
Advertisers
Nagtagpo ang landas nina dating Manila Mayor Honey Lacuna at Mayor Isko Moreno matapos ang mahigit isang taon nang di pag-uusap kasunod ng di pagkakaunawaan dala ng politika.
Napag-alaman na bumisita si Moreno sa musoleo ng namauapang Manila Vice Mayor Danilo Lacuna sa okasyon ng birth anniversary nito ngayong Lunes, Marso 23, sa Manila South Cemetery. Namatay ito noong August 2023.
Kasama ni Moreno ang kanyang secretary to the mayor Manuel ‘Letlet’ Zarcal at sinalubong ni ng asawa ni Danilo na si Inday, na ang anak na si Honey ay naroon din, kasama ang kanyang press information officer, Atty. Princess Abante at Congressman Rolan Valeriano (2nd district, Manila).
Mabilis na kumalat ang litrato ng mga nasabing personalidad na magkakasama, at dahil diyan ay kumalat din ang balita na nagkaayos na sila.
Matatandaan na ilang buwan bago nito ay nabalita naman ang pagbabati nina Congressman Joel Chua (3rd district, Manila) at Moreno na inayos naman umano ng isang ‘common friend’. (JERRY S. TAN)