Advertisers

Advertisers

343 OFWs na naipit sa Middle East crisis nakauwi na

0 7

Advertisers

ISINIWALAT ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac na ang sinakyan ng nasa 343 Overseas Filipino Workers (OFWs) ay ang ikaapat na chartered flight mula sa Saudi Arabia, kung saan karamihan ay nagmula rin sa Qatar, Kuwait, at Bahrain.

Ayon sa kalihim, naging posible ang kanilang pag-uwi sa pamamagitan ng land crossing dahil sa mga limitasyon sa airspace sa ilang bansa sa Gitnang Silangan.

Pinasalamatan din niya ang pamahalaan ng Saudi Arabia sa pagtulong upang makadaan ang mga OFW na bumiyahe ng pito hanggang walong oras patungong Riyadh bago makasakay ng eroplano pauwi ng Pilipinas.



Kasama rin sa flight ang ilang dependents, kabilang ang tinatayang 10 hanggang 15 bata.

Dagdag pa ni Cacdac, inaasahan ang karagdagang chartered flights mula sa United Arab Emirates, kung saan mas marami ang bilang ng OFWs.



Tinatayang aabot sa 1,200 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong iuuwi sa mga susunod na araw mula sa iba’t ibang bansa sa Middle East.

Tiniyak naman ng kalihim na sapat ang pondo ng pamahalaan para sa reintegration program ng mga repatriates, kabilang ang pansamantalang tulong pinansyal, trabaho, at kabuhayan.



Maaari rin umanong makabalik sa kanilang trabaho ang mga OFW sa loob ng anim na buwan kung may valid employment visa.

Sa pagdating sa bansa, bibigyan ang mga OFW ng tulong tulad ng hotel accommodation, transportasyon, at domestic flights upang makabalik sa kani-kanilang probinsya.

Patuloy din ang panawagan ng pamahalaan na sundin ang safety protocols sa mga bansang pinagtatrabahuhan.

Samantala, kinumusta ni PBBM ang mga OFWs matapos makauwi ang mga ito.

Pinatitiyak din ng Pangulo na mabibigyan ng sapat na ayuda ang mga repatriates. (Gilbert Perdez)