Advertisers
Kabi-kabila na naman ang operasyon ng mga illegal horse racing bookies sa lungsod ng Maynila.
Muli na naman itong NAG-SULPUTAN na parang mga kabute sa mga lansangan, eskinita at mga callejon na parang legal.
Halos kulang rin isang buwan naisara at natigil ang mga ito sa lungsod bunga ng ikinasang operation ng Games and Amusement Board (GAB) Kasama ang kapulisan.
May iba rin namang tuloy-tuloy dangan nga lang ay patago at guerilla style ang ginawang istilo.
Meron rin namang ibang bookies na nag-operate sa pamamagitan lang ng telephone bet.
Bawal ring umistambay sa mismong tayaan ang mga bettor dahil sa pinagtatabuyan sila NG MGA maintainer para hindi masita at mapuna.
Ang lahat ng ito’y parang dama-dama lang, ningas-kugon at moro-moro dahil maka-lipas ang kulang Isang buwan ay balik ulit sa dating gawi.
Makikita na naman sa kaliwat-kanan ang mga kolektor ng bawat police station, headquarters at detachment, balik muli ang intelihensiya.
Ultimong barangay na may hurisdiksiyon sa mga PWESTO ng mga illegal bookies ay nagka-karoon din umano.
Anyari sa GAB, mukhang ayos na ang buto-buto, Meron na rin SIGURO kayong parating kung kaya’t let the good times roll.
Nagpa-entry lang pala ang mga ito, ngayon naka-tala na kayo sa weekly payola kaya no more talk, no more operation he… he… he…
***
GREETINGS: ADVANCE HAPPY HAPPY 53rd BIRTHDAY TO MY KUMPADRE… KAGAWAD DENNIS CHAN OF BARANGAY 215 SOLIS ST., TONDO, MANILA ON APRIL 5,2026.
MAY YOU HAVE MANY MANY MORE TO COME… MABUHAY KA!!!!