Advertisers

Advertisers

“NAWALA NA SA HULOG” SI PING LACSON

0 1,109

Advertisers

ISANG linggo na ang nakaraan matapos ang kaguluhan ang Senado kung saan nabigo ang tangkang “kidnapping” kay Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng mga ‘goons,’ ehek, operatiba, ng National Bureau of Investigation (NBI) ni Director Melvin Matibag.

Bukod sa pagiging “listo” ni Sen. Bato dahil dati siyang sundalo at pulis, malaking bagay kaya nasira ang ‘script’ ng gobyerno at ng dayuhang International Criminal Court (ICC) ay ang hindi inaasahang pagpapalit ng liderato ng Senado noon ding Lunes, Mayo 11, kung saan “winalis” ng bagong mayorya ang tambalang Sotto-Lacson.

“Normal” at palaging inaasahan ang pagpapalit ng liderato hindi lang sa Senado, bagkus, kahit sa Kongreso– basta nagkaroon na ng bagong mayorya.

Kaya nga, marami ang napatawa at “naghinayang” dito kay Senator Lacson nang isalarawan niya na mistulang “kudeta” ng bagong mayorya ni SP Alan Peter Cayetano ang ginawa sa kanila.

Masasabi rin daw itong isang “rebelyon” at ‘continuing crime’ na dapat huwag kalimutan ng mga Pinoy.

Bilang dating Chief PNP at beteranong trapo, alam ni Lacson na walang batayan ang kanyang mga sinasabi. Isa itong hayagang “pagmamaktol” sa harap ng publiko ng isang pulitiko na masyado nang nasanay sa kapangyarihan– sa punto na akala niya ay mayroon na silang “prangkisa” ng kanyang pangkat na pamunuan ang Senado– hanggang sa kanilang huling hininga.

Hindi lang yan. Matagal na ring “hinihimas” ni Ping Lacson ang kanyang imahe bilang isang ‘Mister Clean’ na napatuyang huwad– dahil sa ginawa niyang imbestigasyon sa trilyones na ‘flood control project scam’ kung saan pilit niyang “binabanlawan” ang mga peronalidad na itinuturo ng mga testimonya at ebidensiya bilang mga “utak” sa pandarambong sa pondo ng bayan.

“Nanghihinayang” ba tayo dito kay Ping Lacson? Hindi.