Advertisers

Advertisers

Gulo sa Senado scripted!

0 6

Advertisers

LUMALABAS na ang katotohanan sa likod ng nangyaring putukan sa gusali ng Senado.

Ayon sa beteranong mamamahayag na si Manny Mogato, hindi totoong inatake ang Senado, kundi ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) sa pamumuno ni retired Police Major Grneral Mao Aplasca ang nagpasimula ng kaguluhan.

Batay sa impormasyon, nasa katabing GSIS building ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) para magkandado ng pinto base sa hiling ng pamunuan ng GSIS. Layunin nitong harangan ang daanan at tiyaking walang makakalabas mula sa Senado patungong GSIS.

Walang intensyon ang NBI na pasukin ang Senado para ihain ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Gayunpaman, nagpakawala ng “warning shot” si Aplasca, na isa sa mga mistah ni fugitive Senator Ronald “Bato” Dela Rosa. Labag ito sa batas dahil wala namang banta sa kanilang seguridad. Dahil dito, gumanti ng limang putok ang NBI, na sinagot naman ng 27 putok mula sa mga tauhan ng OSAA.

Kapansin-pansin din na walang nakitang banta ang AFP at PNP na nakatalaga sa Senado dahil hindi manlang sila nagpaputok ng armas.

Dahil hindi inilikas ang mga senador at nanatili pa sa gusali hanggang hatinggabi para kumain, hinihinalang “staged” o planado ang insidente. Mismo! Ang layon umano nito ay lumikha ng dahilan para makatakas at muling magtago si Senador “Bato” upang maiwasan ang pag-aresto ng ICC at ang posibleng pagtanggi ng Supreme Court sa kanyang inihaing Temporary Restraining Order (TRO).

Nahaharap ngayon sa matinding pananagutan si Aplasca sa paglikha ng gulo na naglagay sa panganib sa buhay ng mga sibilyan at mamamahayag.

Sinuspinde ng Ombudsman si Aplasca ng 90 days, at sinubpoena ang CCTV footages sa loob ng Senado para malaman ang katotohanan.

Sa hiwalay na interview kay Sen. Bato, inamin niyang tinawagan siya ni Sen. Alan Peter Cayetano para pumasok at bumoto para mapatalsik si Sen. Tito Sotto at maluklok ito (Cayetano) bilang Senate President noong Lunes, Mayo 11.

Hindi aniya alam kung kaninong sasakyan ang sinakyan niya papunta sa Senado. Basta dun lang daw siya pinasakay ni Cayetano.

At hindi niya alam na may mga NBI na naghihintay sa kanya sa Senado. Mabuti nalang aniya at nagawa niyang makatakbo papasok sa session hall.

Sa Senado kinustodya ni Cayetano si Bato, pero Mayo 14 ay umalis ng Senado si Bato sakay ng sasakyan ni Sen. Robin Padilla.

Ayon sa ulat, dumiretso sina Bato at Robin sa Manila Yacth Club, tapos sumakay si Bato ng yate papunta ng Batangas kungsaan naghihintay ang helikopter na maglilipad kay Bato patungo sa Mindanao.

Sinabi naman ng CIDG na wanted na ngayon sa batas si Bato.

Ayon naman sa Department of Justice, may lead na sila kung saan naroroon si Bato. Mahuli kaya nila? Abangan!