Advertisers

Advertisers

Senado tumayo ng impeachment court, sumon ipapadala kay VP Duterte

0 3

Advertisers

TULAD ng ipinangako ni Senate President Alan Peter Cayetano ay tumayong impeachment court ang senado matapos nilang matanggap ang article of impeachment mula sa mababang kapulungan ng kongreso noong Miyerkoles (mayo 13,2026) laban kay Vice President Sara Duterte.
Matapos na magpatuloy ang sesyong ngayong araw (Mayo 18,2026) ay agad inagenda ang article of impeachment at binasa sa sesyon dahilan upang hilingin na tumayo na silang mga senador bilang mga hukom sa ilalim ng impecahment court bagay na walang sinuman ang tumutol.
Maging ang mga naunang senador na nagpahayag ng pagtutol sa impeachment trial ay hindi tumutol sa pagkakataong ito sa ilalim ng liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano.
Ipinag-utos na ng impeachment court sa cleark of court na padalhan na ng summon si Vice President Sara Duterte upang ipabatid dito ang reklamo at sagutin ito.
Inaasahang matapos na sumagot si Duterte ay ipapabatid ito sa prosecution team at aasahan namang tutugon ang prosecutions bago magasagawa ng stipulation para mga testigo at ebedensya.
At matapos ang lahat ng prosesong ito ay magsisimula na ang pormal na pagdinig upang maiprisinta ang mga testigo at ebedensya ng magkabilang panig.