Advertisers

Advertisers

Steel company ng utol ni Michael Yang pinadlak

0 2

Advertisers

IPINASARA ng Department of National Defense (DND) ang isang steel company na pag-aari ni Tony Yang, matapos ang isinagawang operasyon sa loob ng Philippine Veterans Investment Development Corporation (PHIVIDEC) Industrial Authority sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Inihayag ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr. na si Tony Yang ay kapatid ng “drug lord” at dating presidential adviser ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na si Michael Yang.
“Ito ay pag-aari ni Tony Yang na kapatid ng notorious drug lord na si Michael Yang, kungsaan dapat nakakulong ‘yan. Nakakulong naman ta-laga, pero tuluy-tuloy parin ito na nag-o-operate,” ani Teo-doro.
“So, dahil nga tuloy-tuloy ito na nag-o-operate, hindi ko alam kung paano pa nakakuha ng business permit ito. Hindi na dapat eh,” dagdag pa niya.
Ayon sa mga awtoridad, isinagawa ang pagsasara dahil sa paglabag sa operasyon ng hazardous materials at mga isyung itinuturing na po-sibleng banta sa national security.
Kasabay ng operasyon nitong Mayo 15, naaresto rin ang 69 dayuhang pinaghihinalaang illegal alien sa isinagawang raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI), at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi ni Teodoro na bagama’t nasa loob ng PHIVIDEC ang pasilidad, isang semi-autonomous government-owned and controlled corporation (GOCC) ito kaya hindi direktang pinapatakbo ng pamahalaan ang operasyon ng mga kumpanyang naroon.
Patuloy pa umanong iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang kaso.