Advertisers

Advertisers

Senador Jinggoy at Joel sunod na makukulong

0 14

Advertisers

POSIBLENG sa kulungan mag-Semana Santa sina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva kaugnay ng kinakaharap na kasong ‘malversation of public funds’.

Oo! May resolusyon na raw ang Ombudsman sa isinampang mga kaso laban sa dalawang mambabatas ng mataas na kapulungan.

Sina Estrada at Villanueva ay inireklamo ng paglustay sa pondo ng publiko kaugnay ng kontrobersiya sa flood controll projects.

Matatandaang isiniwalat sa mga pagdinig ng kongreso sa flood control scandal ng ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Estrada at Villanueva ay kumuha ng kickbacks sa kanilang mga ibinabang proyektong flood conntrol sa 1st district ng Bulacan.

Mismong sina dating DPWH-Bulacan district engineers Henry Alcantara at Brice Hernandez ang nagsabing kumuha ng milyones na kickbacks sa kanilang ibinabang proyekto sina Estrada at Villanueva.

Ang akusasyong ito nina Alcantara at Hernandez ay nagtugma rin sa ibinunyag ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.

Sina Alcantara at Brernardo ay kapwa ngayon tumatayong “state witness” laban sa mga opisyal na kumana ng daang milyones sa pondo sa flood control.

Actually hindi lang sina Estrada at Villanueva ang kinasuhan ng pagkana sa pondo ng flood control. Kabilang rito dating Senador Bong Revilla at dating Senate President Chiz Escudero.

Si Revilla ay nakakulong na, habang ang kaso laban kay Chiz ay masusi pang binubusisi.

Anyway, hindi na bago para kina Estrada at Villanueva ang makasuhan ng malversation.

Si Estrada ay makailang beses nang nakulong sa kahalintulad na kasong pangungupit sa pondo ng publiko. Katunayan ay mayroon pa siyang kasong dinidinig sa Sandiganbayan kaugnay ng pork barrel scandal. Nakalalaya lang siya ngayon sa piyansa.

Si Villanueva naman ay dinismis na nang Ombudsman (Conchita Carpio-Morales) noong kinakatawan siya ng isang partylist. Hindi na siya dapat nakatakbo pa sa Senado. Pero minaneobra ng sumunod na Ombudsman (Samuel Martirez) ang kanyang kaso.

Ayon sa ating source, maaring ilabas ng Ombudsman ang resolusyon ng kaso sa flood control laban kina Estrada at Villanueva bago o pagkatapos ng Semana Santa.

Balik-kulungan na naman si Jinggoy?

Abangan!

***

Aprubado na ng House Committee on Justice ang pag-subpoena sa mga ebidensiya ng NBI kaugnay ng bantang pagpapatay ni Vice President Sara Duterte kina President Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romuladez, SALNs, pag-testify ng umano’y “bagman” na si Ramil Madriaga, mga ebiden siya sa OVP at DepEd confidential funds, at PSA records ni Mary Grace Piattos.

Malalantad ito sa April 14 hearing ng Kamara sa impeachment vs VP Sara.

Subaybayan!