Advertisers
NGAYONG natimbog na ang “utak” ng anomalya sa multi-billion flood control projects na si dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co, kaabang-abang na ang pagharap sa kanya sa mga imbestigasyon ng Kongreso.
Oo! Ang inaabangan natin ngayon ay kung sinu-sino ang mga tutukuyin ni Co na kasabwat sa pagbulsa sa pondo ng flood control.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, bibilang ng higit tatlong linggo ang pagproseso para maibalik sa bansa si Co mula sa Prague, Chech Repblic kungsaan siya nadakip ng mga awtoridad.
Si Co ay tumakas mula sa Pinas noon pang Nobyembre 2024 matapos iutos ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr ang pag-imbestiga sa flood control projects bunga ng malawakang mga pagbaha sa kabila ng bilyones na ang naubos sa pagpagawa ng mga proyekyong panangga sa baha.
Si Co ang may-ari ng Sunwest Construction na nakakorner ng maraming proyekto sa flood control sa Bulacan at Mindoro kungsaan nabuking ang mga multong proyekto.
Si Co ang chairman ng House Committee on Appropriations nang mangyari ang mga multong flood control.
Sa mga ginawang imbestigayon ng Kongreso, nabunyag ang mga multong proyekyo sa Bulacan at Mindoro, mga lalawigan na lumulubog sa baha tuwing umiyak ang kalangitan.
Nabunyag din ang daang milyones na kickback ng ilang kongresista at senador.
Kabilang sa mga senador na umano’y kumuha ng kickback sina Bong Revilla Jr., Nancy Binay, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at Chiz Escudero.
Si Revilla ay kasalukuyan nang nakakulong, habang sina Estrada, Villanueva at Escudero ay nasa proseso pa ang pagkaso sa kanila ng Ombudsman.
Sasampahan din daw ng kaso ang pinsang buo ni PBBM na si dating House Speaker Martin Romualdez.
Si Romualdrez ang speaker nang maging tserman ng appropriations si Co.
Pero sinanabing walang ebidensya na nagtuturo na sangkot si Romualdez sa naturang anomalya.
Si Romualdez ay hindi umalis ng bansa at open sa mga imbestigasyon.
Nang hindi pa nahuli si Co, may mga lumabas na umano’y mga dating sundalo na nagsilbing security at taga-deliver daw ni Zaldy ng male-maletang kickbacks sa mga opisyal at politiko.
Isa sa mga pinakakontrobersya na umano’y taga-deliver ni Co ng kickbacks ay si Guteza, na matapos iharap sa Senate investigation nina Sen. Rodante Marcoleta at ex-Congressman Mike Defensor, ay biglang naglaho.
Sumunod ang 16 ex-Marines na iniharap din sa media at House inquiry nina Defensor at Atty. Levi Baligod, at ngayon ay hindi narin mahagilap.
Sinabi ng 16 ex-Marines na naghatid sila ng male-maletang pera sa bahay nina PBBM, Romualdez, at nagbigay din ng male-maletang pera kina ex-Senator Antonio Trillanes, ML Partylist Representative Liela de Lima at marami pa.
Ang naturang ex-Marines ay inireklamo ng Cyberlibel at Perjury ng mga taong binigyan daw nila ng male-maletang salapi mula kay Co.
Ang lahat nang ito ay mabibigyang linaw kapag naibalik sa bansa si Co. Subaybayan!