Advertisers
PINAGBIGYAN ng Manila Regional Trial Court Branch 30 ang kahilingan ni dating Negros Representative Arnolfo Teves, Jr. na makapagpiyansa kasama ang dalawa niyang kapwa akusado kaugnay sa kinakaharap nilang kaso.
Batay sa 27 pahinang resolution na sinulat ni Presiding Judge Ryan Philippine L.Bartolome, pinayagan na makapagpiyansa si Teves ng P500,000 habang tig-P250,000 kina Cuadra at Pinili.
Itinuturing ang tatlong akusado na silang nasa likod ng pagpaslang kay Pacito Libro noong Hunyo 23, 2019 habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa national road sa Bayawan City.
Sinasabing hitman at bodyguard ni Teves si Libron, at kinasuhan sila ng murder sa RTC Manila.
Bukod sa kinakaharap na kasong murder, may iba pang kasong kriminal si Teves na nakabinbin sa mababang hukuman tulad ng illegal possession of firearms and explosives, paglabag sa terorismo Financial Prevention and Suspension Act. Suspek din siya sa pagpapatay sa gobernador ng Negros na si Roel Degamo kungsaan nadamay ang walo pang katao. Kaya hindi parin siya makalalaya.
Una naring pinawalang-sala si Teves ng isang sala sa Manila RTC sa kasong murder. (Jocelyn Domenden)