Advertisers
Arestado ng Bureau of Immigration-fugitive search unit (BI-FSU) ang isang babeng Chinese na ‘wanted’ sa kasong money laundering.
Nahaharap ngayon sa deportation si Xu Yinling, 35, na dinakip sa Arnaiz Avenue sa Makati City.
Ayon kay FSU chief Rendel Ryan Sy, ang operasyon ay bahagi ng pinalawak na pagsisikap ng BI sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang palakasin ang kampanya laban sa international wanted criminals.
Ani Sy, si Xu ay wanted sa China at may detention warrant na inilabas ng Beilun Branch of the Ningbo Public Security Bureau on noong March 24, 2022, para sa kasong money laundering.
Ayon umano sa reports mula sa Chinese authorities, si Xu at mga kasabwat nito ay nag-facilitate ng paglilipat ng illicit proceeds sa pamamagitan ng underground banking channels bilang bahagi ng hinihinalang money laundering operation.
Batay sa BI records, si Xu ay lumipat umano sa Pilipinas upang takasan ang kasong iniharap laban sa kanya. (JERRY S. TAN)