Advertisers

Advertisers

ZALDY CO BALIK-PINAS SA LOOB NG 1-3 LINGGO

0 3

Advertisers

POSIBLE maibalik sa Pilipinas si dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co sa loob ng isa hanggang tatlong linggo, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Matapos itong ianunisyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na naaresto si Co sa Czech Republic, at kasalukuyang nakakulong sa Prague, matapos ang siyam na buwan pagtatago sa ibang bansa dahil sa pagkakasangkot sa flood control scandal.
Ayon kay Remulla, namataan si Co sa Italy tatlong linggo na ang nakakalipas at palipat-lipat ito ng lugar, at naaresto ito dahil sa nakanselang pasaporte.
“Hindi niya dala ‘yung kanyang Portuguese passport. Wala siyang dala. Parang nakampante na. Wala siyang travel document so hinuli kaagad,” saad ni Remulla nitong Biyernes, Abril 17.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Czech authorities para sa deportasyon ni Co.
“Siguro as little as one week or as long as three weeks. Depende ‘yan sa [Department of Foreign Affairs]. Sila talaga ang lead dito,” ayon pa kay Remulla.
Pagdating sa bansa, ikukulong si Co sa Camp Crame at haharap sa kaso sa Sandiganbayan kaugnay ng graft at malversation sa umano’y iregularidad sa P289.4 milyong road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.