Advertisers

Advertisers

Interpol naglabas na ng ‘red notice’ vs Atong Ang

0 3

Advertisers

INANUNSYO ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na naglabas na ang Interpol ng Red Notice laban kay Atong Ang.
Isang kahilingan ang Red Notice sa mga tagapagpatupad ng batas sa buong mundo na hanapin at pansamantalang arestuhin ang isang tao habang nakabinbin ang extradition, pagsuko, o katulad na legal na aksyon.
Hiniling ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang Red Notice noong January kasunod ng pag-iisyu ng arrest warrant laban kay Ang at sa dalawampu na kapwa niya akusado sa maraming bilang ng ‘kidnapping with homicide’, ‘kidnapping’ at ‘serious illegal detention’ kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
Inanunsyo rin ni Remulla na namataan si Ang sa CALABARZON dalawang linggo na ang nakalilipas.
Una nang inihayag ni Remulla na muntik na nilang masukol ang pangunahing akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Remulla, nagpapalipat-lipat si Ang ng mga taguan kada tatlo hanggang limang araw para iwasan ang pag-aresto.