Advertisers

Advertisers

Police trainee, 2 beses ni-rape ng instructor

0 4

Advertisers

MULING nadungisan ang hanay ng pulisya matapos gahasahin umano ang isang babaeng trainee ng kanyang police instructor sa loob ng Cordillera Administrative Region Training Center (CARTC) sa Baguio City.
Naganap umano ang panggagahasa Enero 20, 2026 bandang 2:00 ng madaling araw at muli noong Pebrero 8, ala-1:00 ng hapon sa loob ng nasabing training center.
Napag-alaman ng mga imbestigador na ipinatawag ang trainee sa barracks ng instructor sa parehong pagkakataon.
Ni-report ng complainant, na hindi pinangalanan, ang mga insidente Abril 11 at pormal na naghain ng reklamo Abril 13 ng taon kasalukuyan.
Pansamantalang itinago ang inireklamo sa pangalan Artemio, 41 anyos, may-asawang pulis, na nagsisilbing assistant instructor at residente ng La Union.
Ang biktima ay 23 anyos.
Sa kasalukuyan, inilagay na ang inirereklamong pulis sa restrictive custody, dinisarmahan at inilipat sa PNP training headquarters sa Canlubang, Laguna, habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo.
Isinasapinal pa ang dokumentasyon ng kaso para sa regular na pagsasampa.
Nakapagbigay na ng sinumpaang salaysay ang complainant, at sumasailalim sa psychological evaluation bilang bahagi ng proseso ng ebidensya at suporta.
Iginiit ni CARTC Academic Chief, Lt. Colonel Maila Alog, na ipinatutupad ng training center ang “zero tolerance” policy laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga trainee.(Rey Velasco)