Advertisers

Advertisers

Na naman! POSTPONEMENT SA BSKE NASA KAMAY NG KONGRESO

0 9

Advertisers

BUKAS ang Malakanyang na pag-aralan ang muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) para makatipid ang gobyerno sa gitna ng epekto ng tensyon sa Middle East.

Kasunod ito ng pahayag ng ilang mambabatas na maaaring umabot sa P16 bilyon ang matitipid kung hindi matutuloy ang halalan.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, ikokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang anumang panukala basta makabubuti ito sa bansa.



Gayunman, sinabi niyang nakasalalay pa rin ang magiging pasya sa posibleng batas na ihahain sa Kongreso para sa pagpapaliban ng BSKE.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">