Advertisers
ISINIWALAT ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer at state witness na si Henry Alcantara na aabot sa P800 million ang pinakamalaking halaga na inihatid niya sa staff ni dating Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co.
Ginawa ni Alcantara ang pahayag sa kaniyang pagharap sa Sandiganbayan Third Division sa isinagawang bail hearing nina dating Senador Ramon Revilla Jr. at kaniyang kapwa akusado sa kasong malversation.
Tinukoy ni Alcantara ang isa sa mga tauhan umano ni Revilla na pinagbigyan niya ng pera na si Paul Estrada.
Sinabi rin ni Alcantara sa korte na nagsagawa siya ng ilang deliveries kay Estrada sa Lady Bug Street sa Valle Verde, kung saan napaulat na may property ang dating kongresista.