Advertisers

Advertisers

‘Master plunderers’ sa flood control kabilang sina Romualdez at Escudero, malapit ng kasuhan – Ombudsman

0 11

Advertisers

TINIYAK ng Office of the Ombudsman na kanilang malapit ng ihain ang kaso laban sa tinaguriang ‘master plunderers’ ng maanomalyang flood control projects.

Ibinahagi ito mismo ni Assistant Ombudsman Atty. Mico Clavano sa naganap na pulong balitaan ng tanod-bayan ukol sa mga kasong inihahanda may kinalaman sa korapsyon.

Malapit na aniyang isampa o iakyat sa kaukulang korte ang kaso laban sa tinatawag na ‘master plunderers’ sa anomalya ng flood control.



Ayon kay Clavano, ang naturang dalawang ‘master plunderers’ na nabanggit ay ang nagsilbing dating speaker ng House of Representatives at former Senate President.

Bukod sa dalawang matataas na dating lider ng magkabilang kongreso, hindi rin lusot na sasampahan ng kaso ang ilan mga senador at kongresista.



Bagama’t inihayag malapit na nilang kasuhan ang mga ito, tumanggi na munang ibahagi ni Assistant Ombudsman Clavano ang tiyak na petsa kung kailan.

Paliwanag kasi niya’y nais maseguro ng tanod-bayan na hindi sila matatali sa inanunsyong petsa para matiyak ang bigat ng kasong ihahain sa korte.



Kung babalikan, una nang inanunsyo mismo ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang patungkol sa pagsasampa ng kaso.

Partikular niyang binanggit na kakasuhan ng tanod-bayan sina former House Speaker Martin Romualdez at former Senate President Chiz Escudero.

Kasong plunder aniya ang inihahandang ihain ng Office of the Ombudsman sa korte laban sa dalawang nabanggit na dating lider ng kongreso.

Habang dagdag pa ni Ombudsman Remulla na marami pang ibang kaso ang lalabas ngayong Abril at susunod nitong buwan ng Mayo.