Advertisers

Advertisers

Pinoy Big Brother house sarado na!

0 14

Advertisers

Ni Anne Venancio

Tuluyan nang magsasara ang iconic na bahay ng Pinoy Big Brother matapos ang mahigit dalawang dekada, kasunod ng kumpirmasyon mula sa pamunuan ng ABS-CBN na lilipat na ang programa sa bagong lokasyon para sa mga susunod na edisyon nito.

Ayon kay Direk Laurenti Dyogi, panahon na upang magpaalam sa bahay na naging saksi sa libo-libong kuwento ng mga kalahok. Matagal nang pinag-iisipan ang paglipat, ngunit naantala dahil sa naging kolaborasyon ng programa sa GMA Network.

Matatandaang naibenta na ang lupang kinatatayuan ng PBB house, bagama’t nakakuha pa ng pansamantalang extension ang programa upang maituloy ang ilang edisyon. Itinayo ang nasabing bahay noong 2005 sa loob lamang ng tatlong buwan, na may kabuuang sukat na 1,400 square meters at tinatayang nagkakahalaga ng P15 milyon.

Sa kabila ng orihinal na planong limang taon lamang itong tatagal, umabot ito ng 21 taon sa ere. Inalala rin ng production team ang mga hamon noong unang season, kabilang ang mga puna mula sa mga manonood at pakikipag-ugnayan sa Movie and Television Review and Classification Board.

Aminado sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo na malaki ang naging epekto ng programa hindi lamang sa mga housemate kundi pati sa production team.

Tiniyak naman ng pamunuan na magpapatuloy ang reality show sa bagong bahay, kung saan inaasahang magbubukas muli ang auditions para sa susunod na season sa mga darating na buwan.