Advertisers

Advertisers

Desisyon sa bawas o suspensyon ng oil excise tax, ilalabas ngayon — Usec. Castro

0 13

Advertisers

KASALUKUYAN pang ina-assess ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang epekto ng tumataas na global oil prices sa ekonomiya ng bansa.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na kabilang sa mga pinag-aaralan ang posibleng policy responses tulad ng adjustments sa fuel excise taxes.

Nakatakdang isumite ng DBCC ang kanilang rekomendasyon sa Pangulo upang mapagdesisyunan kung anong hakbang ang ipatutupad.



Aniya, posibleng maglabas ng agarang desisyon ang Pangulo ngayong Martes, Abril 7, kaugnay sa krisis matapos isumite ng DBCC ang kanilang rekomendasyon.

Ayon kay Castro, nakasalalay sa magiging evaluation ng Pangulo kung aaprubahan ang mga panukala.



Binigyang-diin ni Castro na kung makabubuti sa bansa ang rekomendasyon, agad itong maaaring ipatupad. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">