Advertisers

Advertisers

Ombudsman: ‘Plunder’ vs Romualdez, Escudero

0 127

Advertisers

KINUMPIRMA ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na kanilang pinaghahandaan na ang paghahain ng kasong plunder laban kina former House of Representatives Speaker Martin Romualdez at dating Senate President Chiz Escudero.

Ayon kay Remulla, may kaugnayan ito sa kanilang pagkakasangkot umano sa isyu ng korapsyon sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Sinasabi kasing nagkaroon ng sabwatan o ‘conspiracy’ ukol sa proseso ng paglalaan sa pondo ng pamahalaan noong mga taong 2024 at 2025.



Plano at inaasahan maihahain na ng pormal ang kasong plunder laban sa mga dating lider ng kongreso sa buwan ng Mayo.

Kaugnay nito, inaasahan din na may iba pang mga opisyal hindi lamang sa Kongreso ang sasampahan ng kaso ng Ombudsman.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">