Advertisers
GUSTO mong napuwesto sa juicy positions sa Bureau of Customs (BoC)?
Bukod kung may pera, maghanap ng malakas na padrino, at eureka, mapupuwesto ang isang may superlakas na backer.
Natatandaan ko, noong 2013, nag-file ng isang resolution si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero para imbestigahan ang matagal nang umiiral na ‘padrino system’ sa BoC.
Kasi po, maraming corrupt politicians na protektor ng ismagler at kutsaba ng korap sa Customs ang nakikialam sa pagpupuwesto sa maseselan at importanteng puwesto sa Aduana.
Ngayong nasa sa Senado si Sir Chiz, ungkatin sana niya uli itong korap na sistemang padrino na kahit ano pang gawing reporma, anti-smuggling task force, wala ring mangyayari kung patuloy sa pakikialam ang mga korap na politiko at matataas na opisyales ng BoC.
Tandaang may ilang malakas na igan or kaanak ang promotor ng ismagling ng agri products, pupwede ba yan kay Comm. Ariel Nepomuceno, ang sagot: Di pwede kay komisyoner yan, tiyak yun!
***
Teka, kamakailan ay may nabasa ako sa isang broadsheet meron daw “bribe taker” at “bribe giver” na isang mataas na opisyal sa Customs, di ulit pwede yan kay Comm. Ariel.
Ano kaya ang katotohanan sa usaping ito?
Nagtatanong lang naman.
***
Alam kaya ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang tungkol sa iba pang opisyal ng BoC na sangkot sa ismagling, just asking lang po.
Ang alam natin, maraming qualified na opisyal sa Customs na pwedeng mai-promote sa mas magandang posisyon ang nasusulot ng mga may padrino sa BoC, sa Malakanyang o may maimpluwensiyang politiko o mambabatas na may negosyo sa Aduana.
Open secret naman ang ilan na may padrino sa Customs para makapwesto sa magandang position, natural may backer yun.
Naalaala ko tuloy si Sen. Ping Lacson nang ang dami nitong sinabit na mga korap umano sa BoC, anyare na exposè?
Teka, totoo nga ba ang mga balita na ilang matataas na opisyal ng BoC ay malakas at bagyo o pader ang dating kay PBBM at Madam First Lady Liza Marcos?
***
Paano raw ba mawawala ang padrino system: One way is to file a bill that aims to stop the padrino system.
Another way, na ginawa noong 2013 ni Sen. Escudero, ay imbestigahan ang mga padrino ng mga korap na opisyal ng Aduana.
Sen. Escudero, Sen. Jinggoy Ejercito Estrada, Sen. Erwin Tulfo, Sen. JV Ejercito at Sen. Alan Peter Cayetano your honors please, baka nais nyo pong umpisahan ulit ang imbestigasyon laban sa mga padrino sa Customs?
At sa imbestigasyon, ipatawag si Sen. Ping Lacson na tiyak, maraming sasabog ang bahay-ebak pag nagsalita na siya.
Hindi matitigil ang corrupt practices sa Aduana kung ang padrino system ay mananatili sa Customs.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.