Advertisers
INIULAT ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis pa sa 4.1% ang inflation rate o antas o bilis ng pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong Marso,
Ito ay kasabay ng pagsipa ng presyo ng langis at transportasyon. Ito ay mas mabilis kumpara sa 2.4% na naitalang inflation rate noong Pebrero ng kasalukuyang taon. Bahagyang lumagpas din ito sa 2% hanggang 4% target inflation na itinakda ng pamahalaan at sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa isang pulong balitaan nitong Martes, Abril 7, inihayag ni PSA USec. at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang inflation noong Marso 2026 ay pinakamabilis na naitala sa nakalipas na dalawang taon o mula Hulyo 2024 kung saan pumalo ang inflation sa 4.4%.