Advertisers

Advertisers

Magnanakaw ka ba, Congressman?

0 21

Advertisers

SA debate nina suspended Congressman Kiko Barzaga at Atty. Jess Falcis ginawang katatawanan ng abogado ang astig na batang mambabatas mula Dasmarinas, Cavite.

Simple lang ang naging tanong ni Falcis kay Barzaga: “Simula nang maging parte ka ng City Council ng Dasmarinas at maging Congressman, malinis ka ba?”

Hindi ito direktang sinagot ni Barzaga. Malayo sa tanong ang kanyang mahabang sagot.

Nagtanong uli si Falcis: “Magnanakaw ka ba o hindi?”.

Hindi parin ito sinagot ni Barzaga. Malayo parin ang kanyang mahabang paliwanag sa simple at maikling katanungan.

Nagmukha tuloy kolokoy si Barzaga sa debate nila ni Falcis. Meow!!!

Si Barzaga ay kasalukuyang suspendedo ng 90 days. Pangalawang sunod n’ya na itong suspension dahil narin sa kanyang kawalang respeto at pagiging bastos sa kanyang mga kasamahang mambabatas. Sinuspinde siya ng House Committee on Ethics.

Isa siyang DDS congressman.

Teka, may tanong din ako kay Congressman “Palangga”: Magnanakaw ka ba?, kasi ang yaman yaman mo na eh!”

***

SASAMPAHAN ng kasong ‘Plunder’ ng Office of the Ombudsman sina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Senate President Chiz Escudero kaugnay ng budgetary process noong 2024 at 2025.

Ito ang inanunsyo ni Ombudsman Boying Remulla last Monday, April 6, sa press conference.

Kasalukuyan na raw nilang inihahanda ang mga ebidensiya.

Ang target din ng pagsasampa ng kaso ay Mayo.

“We’re just tying up many things that had to be there to make a case out of it. Pero the former Senate President and former Speaker will be subjected of plunder very soon. Flood control related, diin ni Boying.

Mag-prosper naman kaya ang isasampang kaso ni Boying? Baka naman press release lang ito?

Subaybayan!

***

Libo libong litro ng iligal na petroleum products ang nasamsam ng mga awtoridad sa Navotas City last Tuesday, April 7.

Nagkalahalaga raw ang smuggled oil na ito ng higit P9 milyon!

Kaso wala raw nahuli sa nasabat na langis. Ganun?

Bakit ang mga oil smuggler nakakaparating ng langis? Samantalang ang gobierno hirap makapag-import!

At ang nakapagtataka walang nahuli sa nasamsam na langis. Malamang may nag-timbre sa may-ari o baka naman naayos sa milyones na rason. Mismo!

Kasalukuyan pa raw iniimbestigahan kung sino ang nasa likod ng oil smuggling na ito.

Itanong n’yo kay Cris Ibon. Malamang kilala n’ya. Ang Violago syndicate ba, Cris?

Tuldukan!

***

NASA Vietnam daw ang gambling tycoon na si Atong Ang.

Ito ang ipinahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla last Tuesday, April 7, sa press conference.

Walang rekord sa immigration na lumabas ng bansa si Atong. Malamang daw na sa backdoor ito dumaan, sa Mindanao.

Si Atong ay matagal nang sinasabing nasa Vietnam. May negosyo kasi siyang online sabong doon. Yung mga pasabong n’ya araw-araw sa kanyang mga sabungan sa Pilipinas ay naka-live yan sa Vietnam. Alam ng mga partner n’ya sa Pitmaster yan!