Advertisers

Advertisers

Isko: Bagong programa na “Biyayang Bigas” ng Manila LGU, 800K pamilya makikinabang

0 12

Advertisers

Naglunsad ng bagong programa ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga pamilya na epektibo gn krisis sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso , aabot sa 80,000 pamilya ang makikinabang sa “Biyayang Bigas” sa Maynila program.

Ang bagong programa ng Maynila ay sisimulan sa Abril 16 at at tatagal ng anim na buwan.

Inanunsyo ito ni Mayor Isko Moreno nitong Huwebes kung saan nasa 10 kilo ng bigas ang matatanggap ng bawat benepisyaryo.

Ayon sa alkalde, hindi lamang sektor ng transportasyon ang saklaw ng programa kundi kasama pati iba’t ibang sektor.

Isinasagawa ang programa sa suporta ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF).

Kabilang ang Lungsod ng Maynila sa mga benepisyaryo nito, na may nakalaang P286 milyon para sa implementasyon ng programa.

Layunin ng programa na makapagbigay ng dagdag na ayuda sa mga Manileño sa gitna ng kasalukuyang krisis, habang patuloy na sinusuportahan ang mga lokal na magsasaka. (Jocelyn Domenden)