Advertisers

Advertisers

KYLINE TUTULONG SA MGA JEEPNEY DRIVER PAGBIBIGAY PUGAY PARA SA KANYANG LOLO

0 11

Advertisers

Ni Beth Gelena

May plano ang Kapuso aktres na si Kyline Alcantara na tumulong sa mga tsuper ng jeep sa gitna ng krisis sa gasolina.

Ito ay dahil ang lolo ni Kyline ay isa ring jeepney driver kaya nagbibigay pugay siya sa mga driver.

Ayon sa aktres tutulong siya sa mga tsuper ng jeep pagbibigay pugay na rin sa kanyang lolo na may parehong trabaho.

Aniya, “Gagawin ko ang isang bagay para matulungan ang mga drayber. Parang pagpupugay ito sa aking lolo, isang drayber ng jeep bago ang Bicol.”

“So siyempre, gusto kong pumunta lang sa isang fuel station, baka po sa Quezon City or depende kung saan pwede,” wika pa niya.

Inamin ni Kylie na ayaw sana niyang ibulgar ang gagawing pagtulong sa mga jeepney driver dahil baka raw isipin ng publiko itong ibunyag dahil ayaw niyang mapansin ng publiko ang kanyang pagsisikap na makatulong.

Pakli niya, “Actually, ayokong sabihin [at first] kasi it might sound like [I’m doing] it for publicity and ayokong maging gan’un. Baka kasi isipin na ginagamit ko ang mga nangyayari sa bansa for publicity and ang pangit naman n’un.”

“Ayoko sanang magbigay ng anumang detalye noong una dahil baka magmukhang ginagawa ko ito para sa publisidad. Ayoko niyan. Baka isipin ng mga tao na ginagamit ko ang krisis para sa mga layunin ng publisidad, at hindi iyon tama.”

Pagbabahagi pa ni Alcantara na dati na siyang nag-oorganisa ng mga charity event, lalo na tuwing may kaarawan siya.

“I do charity events and [personally], hindi ako nagcecelebrate talaga ng birthday. I’d rather do charity events. Imbes na ipang-party, I’ll do charity na lang. Ever since, hindi ko lang talaga [pinaguusapan in public] kasi baka isipin ng mga tao na pang-publicity.”

Sa ngayon, nagsisikap ang aktres na makatipid lalo na nang paggamit ng mga kagamitan sa bahay.

“I’m super affected [too kaya] bawas muna ako sa paglabas-labas para hindi masyadong magastos. Bawas talaga muna ako ng expenses sa bahay. As much as possible, sarado lahat ng mga kailangan i-unplug (I’m super affected too, so I don’t go out as much anymore. I also cut my expenses at home.”