Advertisers
Ni Anne Venancio
Hindi sumagot si Lucena City Mayor Mark Alcala sa mga tanong ng Cabinet Files kaugnay ng umano’y ugnayan nila ng aktres na si Kathryn Bernardo.
Ang pananatiling tikom ng alkalde ay itinuturing ng ilan na pag-iwas upang hindi na lumala pa ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang personal na buhay.
Naging usap-usapan ang dalawa matapos silang makita na magkasama sa isang mall sa Bangkok noong Semana Santa.
Sa ngayon, wala pang malinaw tungkol sa tunay na estado ng dalawa.