Advertisers

Advertisers

ALAMIN ANG SALA NG BANGKO SA LUPA (LANDBANK)

0 27

Advertisers

Maraming anomalya sa bansa higit sa mga tanggapan ng pamahalaan ang nasilip ngunit ‘di maisip kung bakit hindi napulutan ng aral ng mga kawani at opisyal. Kaliwa’t kanan ang pagkapinid ng mga opisyal maging ng ilang pangulo subalit kibit balikat lang ang tugon. Napulutan naman ng aral ang mga naganap na anomalya ngunit ‘di ginalawan upang malinis o mawala ang pagnanakaw. At ang aral na natutunana, kailangang malaki ang nakawin ng ‘di makulong at makapamuhay ng may kasarapan sa ibang bansa. Habang ang mga napinid sa karsel, nabigyan ng kapatawaran at nagawa pang muling maging opisyal ng bayan sa likod ng garapal na pagnanakaw. Habang ang iba’y napawalang sala ngunit kailangang ibalik ang mga nakulimbat na halaga sa kabang bayan. Ang muling dahilan sa salang gawa sa pandarambong ng pondo ng bayan.

Mabait ang Pinoy at nalimutan ang mga salang gawa na araw araw na bitbit o sadyang tanga, bobo, mangmang sa paglimot sa bigat na pasanin. Mabigat ang banggit sa una ngunit sadyang ibig ipabatid sa Pinoy na ang pagbabagong nais ay kailangang magsimula sa sarili palabas. Walang sisinuhin dahil ang pagkakamali’y pasanin ng ‘di iilan ngunit ng buong sambayanan na at ang pagpaparaya sa mga gawang pandarambong ang ‘di ibig na maganap muli sa mga darating na panahon. Nasilip na malimutin si Mang Juan sa gawang sala ng mga politiko na tuwinang ginagawa ang pandarambong. Bale wala ang ilang panahon sa karsel sa dami ng salaping binibilang at kapagdaka’y pawawalan dahil sa kinaaanibang larangan, ang politika.

Sa mga anomalyang naganap sa pamahalaan, may isang bahagi ang nagbigyan pansin na tila ‘di nababanggit sa usapin ng pandarambong, ang Bangko sa Lupa o ang Land Bank of the Philippines. Nabigyan pansin, sa ilang panahon ng anomalya tila walang nabanggit na napasama sa usapin ang mga tauhan o opisyal ng Bangko sa Lupa na karaniwang dinaanan ng mga lumabas na salaping bayan. Batid na may mga ahensya sa pamahalaan na dinaluyan ng mga kautusan hinggil sa anomalya sa PDAF na pararaanan o dadaluyan ng kaperahan ng mga opisyal na nasangkot at nakulong sa usaping banggit. At katotohanan, marami sa mga ahensyang nadawit sa anomalya ng PDAF ay nanga-pagsara. Samantala, ang Bangko sa Lupa’y patuloy na lumalaki na ‘di nagalusan sa usapin ng anomalya sa PDAF, ano ang mahika ng Bangko sa Lupa?

Sa muling kaganapan sa usapin ng anomalya sa pamahalaan ang “flood control”, silip na higit na lumaki ang nakawan na tila banggit na pagkatuto ng mga sangkot sa kontrobersya. Nariyan ang bilyon bilyong piso na ‘di napakinabangan ni Mang Juan. Malinaw na may anomalya at ‘di basta basta ang naglabas ng usapin, ang pangulo ng bansa. Ang nawawalang halaga’y kasing laki ng mga dating taunang pondo ng bansa. Ang hindi nawala ang mga lumang ngalan na sangkot sa unang anomalya ng PDAF at heto’ ‘di nagpahuli at sangkot na muli sa anomalya ng “fund control” este “flood control”. Dating ngalan na ngayo’y na nasa oblo na ‘di makapag budots sa Payatas. Samantala, ang iba’y nagdarasal at nakikipagnegosyo kung lalaban o babawi higit sa ihahain na usapin ng iba pang anomalya ng pagnanakaw sa kabang bayan, sa nanay ni Mary Grace Piattos.

Silip at muling nagtataka sa usapin ng “fund control” ang ‘di marumihang ngalan ng Bangko sa Lupa na tila walang kinalaman sa usaping nasa harap. Batid na ‘di lang ang Bangko sa Lupa ang dinaanan ng paglalabas ng salaping bayan ngunit malinaw na ang Bangko sa Lupa ay pag-aari ng pamahalaan na matitiyak dadaanan ng pondo ng mga proyekto na bilyon bilyon ang halaga. Ang masakit ‘di nababanggit sa mga ulat ang mga transaksyong naganap na dumaanan sa banggit na bangko. Sa totoo lang, ang bilyon bilyong piso o malemaleta o duffle bag na salapi’y ganap na dadaan sa bangkong banggit bilang bangko ng pamahalaan. Ang pagiging bulag, pipi at bingi ng banggit na bangko higit ang mga opisyal ang pinagtatakhan ni Mang Juan. Walang naganap na pag-ayon sa inilabas ni Jun Singhot na anomalya gayong batid na dadaanan ang bangko ng ano mang uri ng transaksyon higit kaperahan na galing sa pamahalaan.

Walang galit sa Bangko sa Lupa o sa mga opisyal na banggit na bangko subalit ang pananahimik sa usaping inilabas ng pangulo ng bansa galawang sala at malinaw na may kabatiran bilang pinagdadaluyan ng pera ng pamahalaan. O’ ganap na sa likod gumagalaw ang mga opisyal ng banggit na bangko ng ‘di mapag-initan ng mga opisyal na nasasangkot. Sa totoo lang, ‘di makita na dapat matakot higit ang pangulo ng bansa ang naglahad ng anomalya sa usapin ng “fund control”. O’ sadyang may mga naiwang halaga para sa mga opisyal ng manahimik. Ang anomalya’y kataksilan sa bayan at ito ang dapat na ipasok sa isip ng opisyal ng Bangko sa Lupa kung ganap na alang dumi sa kanilang palad. Ang bilyon bilyon inilabas ang sana’y dahilan upang kumilos upang ipabatid sa bayan ang proyektong sa na.

Batid ang kaselangan ng Banko sa Lupa sa mga transaksyon na pumapasok sa tanggapan at ‘di mapagpabaya sa paglilingkod. Sa pagkaalam ‘di ganap na makukuha ang salapi sa banggit na bangko sakaling kulang sa ilang mga detalye sa transaksyon. At ganap na ‘di nailalabas ang salapi na labis sa takdang oras. Samantala, naulinigan na kahit labis sa takdang oras ang mga transaksyon sa mga sangay ng bangko, nagaganap ang paglalabas ng salapi na may tulong pa ng ilang kawani o taga bantay ng bangko. Ito ba’y dahilan sa pag ganap sa trabaho o ganap na may tawag sa kung kanino. Sa pagkakataong banggit sa itaas, ‘di makita sa panig ng Bangko sa Lupa ang pagkalinga sa kagalingan ng bayan.

Napapanahon nang alamin ang pagkakasangkot ng ilang opisyal ng Bangko sa Lupa sa anomalya ng “fund control” este “flood control” ng ‘di na muling maganap ang paggamit sa bangko sa mga maanomalyang gawain ng opisyal ng bayan. Ang pananahimik sa PDAF sa unang pagkakataon ay pinagkibit balikat kahit ganap na silip ang pagtatakip ng bangko sa anomalya ng mga opisyal ng bayan, halal o hindi halal. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, mainam na panagutin ang may sala na ‘di nagawang kumiling sa kagalingan ng bayan sa buo – buong halaga na inilalabas sa kabang bayan na dumadaan sa mga sangay ng banggit na bangko. Ang pagiging walang kibo, bulag pipi at bingi. Ombudsman, alamin ang sala ng Bangko sa Lupa sa ibinunyag ng pangulo sa SONA ng nakaraang taon at panagutin .

Maraming salamat po!!!!