Advertisers
UMAKYAT na sa 68,257 ang hinuli sa unang linggo ng pagpapatupad ng “Safer Cities initiative’ matapos magdeklara ng war on criminality ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ng mas mahigpit na pagpapatupad ng pag-iinom ng alak at pagsusugal sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, kabilang sa mga nangungunang paglabag ang pag-inom pagsusugal at paninigarilyo sa pampublikong lugar, paglabas nang walang damit pang-itaas, paglabag ng mga menor de edad sa curfew, at paggamit ng karaoke lampas sa itinakdang oras.
Sa madaling salita napaka sigasig ng mga pulis sa Metro Manila na dapat saluduhan at palakpakan dahil kahit yong naghahalo ng semento sa Mandaluyong hindi pinalampas tineketan dahil sa walang suot pang-itaas.
Pero kabaliktaran naman ito sa Mindoro province.
Bakit ko nasabi, parang mga rubot na de susi ang mga pulis sa Occiodental at Oriental Mindoro na hindi makagalaw dahil sa patuloy na pamamayagpag ng mga Peryahan na pulos sugal na hindi bababa sa 300-mesa ng “pulat-puti, color games, baklay at drop ball” ang nakalatag sa nasabing mga lalawigan ang pinagpiyestahan gabi-gabi ng mga sugarol, at adik maging ng mga kabataan na inaabot ng madaling araw ang operasyon.
Sa madaling salita, TABLADO ang “safer cities initiative” ni Remulla na ipinatupad niya sa buong bansa.
Ayon sa reklamo “malamya” sina Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita, Occidental Mindoro Provoncial Director PCol Timoteo Espiritu at Police Regional Office MIMAROPA Regional Director PBGen Jovencio Badua kapag sugal ang pinag-uusapan?
Ano say mo dito DILG Sec Remulla Sir!
Para sa kabatiran mo Mr. Scretary Remulla Sir, hindi lang sugal ang talamak sa AoR NI Gen. Badua kundi ang presensya ng mga kilalang tulak nan aka tambay gabi-gabi sa mga pasugalan. Sunod –sunod na rin ang mga naitalang nakawan, iligal na droga at patayan na gawa ng mga riding-in-tandem.
Matatandaang 43 sako ng droga ang nadiskubre ng mga military sa isang rubber boat na sumadsad sa Paluan, Occidental Mindoro ganon din ang shabu lab sa Puerto Galera. Kamakailan lang walang awang pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang Konsehal at director ng ORMECO.
Ang tanong safety panga ba ang mamamayan gayong kaliwat-kanan ang mga patayan na sinasabayan panang mga inu-umagang sugal na hindi bababa sa 300-mesa ng “color games, Baklay, pulat-puti at drop ball” ang pinagpiyestahan gabi-gabi ng mga sugarol at adik maging ng mga kabataan na mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa PD 1602 na inamyendahan ng RA 9287.
Ayon sa ilang deboto at mananampalataya masyado ng nasasalaula ang tahimik nilang probinsya sa presensya ng sugal na humihigop sa perang pinaghihirapan ng mamamayan.
Noong April 6, inanunsyo ni Remulla na bawal ang geng-geng, mesa-mesa na inuman sa kalye at sugal sa mga pampublikong lugar pero bakit patuloy pa rin na namamayagpag sa Occidental at Oriental Mindoro ang mga Peryahan na pulos sugalan na nakalatag malapit sa mga palengke, plaza, simbahan, eskwelahan, barangay hall, istasyon ng pulis, at sa mga terminal ng tricycle, bus at jeepney na ang mga parukyano nito ay mga sugarol, adik, tulak at mga kabataan. Mismo!
Notorious ang mga peryahan na front ng sandamakmak na sugal ang namamayagpag sa mga bayan ng Bulalacao, Victoria, Bulalacao, Bansud, Pola, Pinamalayan, Socorro, Naujan, Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Bongabong, Mansalay, Gloria at Calapan City, Oriental Mindoro. – Garapalan din ang operasyon nito sa mga bayan ng Mamburao, Rizal, Abra de Ilog, Looc, Lubang, Magsaysay, Paluan, Sablayan, San Jose, Calintaan at Santa Cruz, Occidental Mindoro kung saan parang hinoholdap ang pera ng mga mananaya.
Ayon sa source na alyas “V’ kahit anong batikos ang gagawin natin hindi ito matitinag dahil naka timbre sa tanggapan ng NBI, S2, CIDG, R2 at NAPOLCOM, sa pamamagitan nina Sgt. Manalo, Sgt. Raymond, Mike at Melvin ang gambling operation.
Yon naman pala, Pasok pala lahat!
Ang TANONG alam kaya ito nina Col. Espiritu, Col Revita, CIDG Director PMaj Gen. Robert Alexander Morico, NBI-MIMAROPA Regional Director Atty. Jeremy Lotoc, NBI Director Melvin Matibag at Gen. Jovencio Badua?
Take Note: guwardyado gabi-gabi ng mga barangay tanod at ng mga nagrorondang pulis ang mga pasugalang ito para sa kaalaman mo DILG Secretary Remulla Sir!
May follow-up, ABANGAN!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.