Advertisers

Advertisers

Deadline ng paghahain ng ITR pinalawig ni PBBM ng isang buwan

0 3

Advertisers

Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deadline ng paghahain ng 2025 Annual Income Tax Returns (ITRs) mula April 15 hanggang May 15, 2026.



Ayon sa Pangulo, layunin ng hakbang na ito na mabigyan ng mas maayos at sapat na panahon ang mga taxpayer upang makapagsumite ng kumpletong dokumento.

Sa ilalim ng bagong iskedyul, maaari pa ring mag-file at magbayad ang mga mamamayan sa pamamagitan ng BIR electronic platforms o sa mga Authorized Agent Banks.



Tiniyak din ng Pangulo na walang ipapataw na penalties sa mga maghahain sa loob ng extended deadline, upang mas maging magaan ang proseso para sa publiko.

Dagdag pa ni PBBM, bahagi ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaan na maibsan ang pasanin ng mga Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at gasolina. (Gilbert Perdez)