Advertisers

Advertisers

Taxi driver pinunit ang tiket sa harap ng enforcer, 90-araw suspendido

0 11

Advertisers

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw ang lisensya ng taxi driver makaraang punitin ang ‘violation citation ticket’ na inisyu sa kanya ng enforcer.
Kasabay nito, pinadalhan din ng ahensya ng show cause order (SCO) ang driver nang mag-viral ang video sa social media kaugnay sa sadyang pagpunit ng driver sa inisyung traffic violation ticket sa kanya ng traffic enforcer.
Inaatasan din ang may-ari ng taxi at driver nito na humarap sa opisina ng Intelligence and Investigation Division (IID) at magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang lisensya ng driver dahil sa paglabag sa pagiging Improper Person to Operate A Motor Vehicle.
Bukod sa 90-araw na pagsuspinde sa lisensya ng driver, inilagay narinsa alarma ang taxi, habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon angh ahensya.
Ipinapaalala ng LTO na ang paggalang sa batas at sa mga awtoridad ay mahalaga. Hindi pinahihintulutan ang anumang pag-uugaling hindi nararapat para sa isang lisensyadong driver.
(Almar Danguilan)