Advertisers

Advertisers

Mag-amang suspek sa pamamaril at pananaksak sa lalaki sa Tondo, iprinisinta kay Mayor Isko

0 14

Advertisers

Iprinisinta sa Talk to the People ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang mag-amang suspek sa pagpatay sa isang lalaki sa loob ng isang computer shop sa Tondo, Maynila

Ayon kay Mayor Isko, nagpabatid ang mag-amang suspek na sina Jeffrey, 49 at Jefferson Saludar, 24 na sila ay susuko kaya agad niyang inatasan ang Manila Police District (MPD).

Bagamat naiintindihan ng alkalde ng naging bugso ng damdamin ng isang ama para maipagtamggol ang anak, binigyang-diin ng alkalde na ang husgado na ang siyang magtitimbang sa maaring kahihinatnan ng kanilang kaso.

Sa pahayag ng mg suspek , naunang nanaksak ang biktima na si Jonjon Bacolod, 46 anyos noong Linggo kay Jefferson na naging dahilan para sila ay magpa-blotter.

Dagdag pa, wala silang balak na patayin ang biktima ngunit napansin aniya nilang tila bubunot at nagbanta na papatayin silang mag-ama kaya nagawa nilang unahan– binaril at inundayan ng 40 saksak gamit ang isang kitchen knife.

Una, pinaputokan ng baril ang biktima hanggang sa tadtarin ng saksak sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan na nagresulta ng agaran niyang pagkamatay.

Hiling naman ng kaanak at ina ng biktimang si Gng.Virgilita Bacolod na makulong habambuhay ang mga suspek .

Ang mga suspek ay isinalang na sa inquest proceedings ng Manila Prosecutors Office nitong Martes. (Jocelyn Domenden)