Advertisers

Advertisers

Jillian Ward aktres na, singer pa!

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio



Sumabak sa voice lessons ang Star of the New Gen na si Jillian Ward bilang bahagi ng kanyang patuloy na paghahanda upang mas mapalakas pa ang kanyang kakayahan bilang performer.

Sa ilalim ng gabay ng vocal coach na si Johann Enriquez, sumailalim si Jillian sa mga vocal technique training kabilang ang tamang pagbuka ng bibig upang mas mapalinaw at mas maayos na mailabas ang kanyang boses. Ginamit sa kanilang sesyon ang kantang “Saving All My Love For You” ni Whitney Houston bilang practice piece.



Patuloy nga ang paghahanda ni Jillian para mas ma-improve ang kanyang performance skills. Kabilang sa kanyang training regimen ang voice lessons, dance lessons, at jogging upang mapabuti ang kanyang stamina at vocal control.

Naunang inilabas ni Jillian ang kanyang bagong single na “Pumapag-ibig,” kung saan isa rin siya sa mga co-writer.