Advertisers

Advertisers

Heart Evangelista sinagot ang isyung may pina-retoke sa katawan

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio



Diretsahang sinagot ng global fashion icon na si Heart Evangelista ang mga usapin tungkol sa umano’y cosmetic enhancements sa kanyang katawan sa pinakabagong episode ng “Heart World Season 2,” na mapapanood ngayong Sabado, Abril 18.

Sa naturang episode, ibinahagi ni Heart ang kanyang malinaw na pananaw tungkol sa plastic surgery at personal na desisyon sa katawan. Aniya, mahalagang igalang ang pagpili ng bawat tao at huwag itong gawing batayan ng panghuhusga ng iba.



Binigyang-diin din ng aktres na ang tunay na kagandahan ay hindi nakasalalay sa pisikal na anyo lamang, kundi sa kumpiyansa, katapatan sa sarili, at kakayahang yakapin ang sariling kwento nang walang takot sa opinyon ng iba.
Samantala, tampok din sa episode ang mas personal at magaan na bahagi ng buhay ni Heart. Makikita siyang nag-aalaga sa mga anak ng kanyang kapatid at sumubok matutong magmaneho—mga eksenang puno ng kaba ngunit sinabayan ng tawanan at aliw.

Kasama niya sa mga sandaling ito ang kanyang kapatid na si Camille Ongpauco, na nakasama niya sa mga simpleng gawain at personal na karanasan sa loob ng episode.