Advertisers

Advertisers

ERWIN TULFO: SOLUSYON SA KRISIS AT PANANAGUTAN SA FLOOD CONTROL MESS, PAGSABAYIN

0 5

Advertisers

IGINIIT ni Senate Blue Ribbon Vice Chairman Erwin Tulfo na habang prayoridad ang pangmatagalang solusyon sa krisis dulot ng giyera sa Middle East, hindi dapat isantabi ang pagpapanagot sa mga nasa likod ng “flood control mess” sa bansa.

“Dapat nating unahin ang epekto ng nagpapatuloy na giyera, lalo na ang pagpigil sa nagtataasang presyo ng mga bilihin. Paano na lang kung tamaan pa tayo ng mga kalamidad? Kailangan nating ayusin ang isang long-term plan,” pahayag ni Tulfo sa isang panayam.

Dahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng US-Israel at Iran, iginiit ng Senador na dapat nang maglatag ng konkretong plano para sa nakaambang krisis sa enerhiya.

Aktibong nagsusulong si Tulfo ng mga panukala sa Senado kaugnay ng krisis sa Middle East, kabilang ang bagong batas na Automatic Suspension of Excise Taxes on Petroleum Products, ang Bagong Balikbayan Bill, at ang Philippine Strategic Petroleum Reserve Bill.

Bukod sa mga batas, isinusulong din ni Tulfo na maisama ang middle class sa mga ayuda ng gobyerno.

“Kailangang masiguro na hindi lang ang mga vulnerable sectors ang protektado, kundi pati ang middle class—iyong mga isang hospital bill lang ang pagitan sa kahirapan,” aniya.

Gayunpaman, binigyang-diin ng Senador: “Habang prayoridad natin ang mga crisis-driven solutions para sa bawat pamilyang Pilipino, tungkulin din nating maningil ng pananagutan.”

Ang pahayag na ito ay kasunod ng pagkakahuli sa Czech Republic kay dating Congressman Elizaldy Co, na isa sa mga pangunahing personalidad sa imbestigasyon ng flood control mess.

Sa inaasahang pagbabalik ni Co sa bansa, umaasa si Tulfo na makukuha ng Blue Ribbon panel ang kanyang testimonya upang matapos na ang imbestigasyon sa Senado at masampahan ng kaukulang kaso ang mga dapat managot.

“Dapat nang tapusin ang Senate investigation na ito once and for all, para matutukan na natin ang iba pang mabibigat na problemang kinakaharap ng bansa,” pagtatapos niya.