Advertisers

Advertisers

Marlo Mortel, na-pressure sa kissing scene nila ni Rita Daniela

0 4

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MAY kissing scene ang singer-actor na si Marlo Mortel kay Rita Daniela sa latest Viva Movie Box (VMB) micro drama series na Caught In The Act. Ito ang first ever kissing scene ng binata sa pelikula.

Inamin ni Marlo sa isang panayam sa kanya, na talagang na-pressure siya sa kissing scene nila ni Rita dahil super intense raw agad ang ginawa nilang eksena.

“Most challenging, definitely (kissing scene). Doon talaga ako nape-pressure. Hindi ko alam kasi important din talaga sa akin ’yung mga ganoong firsts, kahit in real life.

“So, kahit kasi smack, wala pa ako on-screen, ever, as in. So, kahit noong una naming smack, naiilang ako. Tapos, bago ’yung pinaka-torrid, nakailang mali ako,” natatawang kuwento ni Marlo.

Na-stress din daw siya sa mga dialogue bago ang kanilang torrid kissing scene dahil mas naka-focus siya kung paano ang gagawing atake sa halikan.

“Noong nagtake na nga, noong paghigit ko kay Rita, ay ang intense pala!”

Ayon naman kay Rita, ginabayan niya si Marlo sa kissing scene nila sa serye, “Ayoko rin naman ma-feel niya, of course, first and foremost, to feel uncomfortable.

“Malaking bagay na binrief kami ni Direk kung ano talaga ’yung gusto niyang makuha sa eksena na ’yun and na-appreciate ko doon si Direk kasi he went straight to the point.

“Talagang walang paliguy-ligoy. Malaking bagay ’yun for us, kung paano namin gagawin ’yung eksena na ’yun,” aniya pa.

“Tuloy kami nang tuloy pero, in fairness naman, kahit kinakabahan si Marlo talagang tinutuloy niya talaga, inilaban niya, naramdaman ko ’yun.

“Hindi siya talaga tumigil. Kahit kamay niya, hindi tumigil din! Talagang tuluy-tuloy siyang ganyan, para siyang sumasayaw,” natawang chika ng aktres.

Depensa naman ni Marlo, napasigaw na si Direk Temi ng “Cut!” pero hindi raw nila narinig kaya tuluy-tuloy lang sila ni Rita sa eksena.

“I really try to be very professional kapag sa work so, siyempre, ang tagal na ng eksena, ang briefing lang halikan, ’di ba? Eh, walang cut.

“So, siyempre, aamuy-amuyin ko na, kakagat-kagatin ko na kung ano man. So, may kagatan na nangyari kasi wala kaming naririnig na cut, eh, ayoko naman na putulin ’yung eksena.

“Parang lumabas ’yung ibang Marlo Mortel. But, anyway, I’m very happy with how it ended,” aniya pa.