Advertisers

Advertisers

Romualdez sinagot ng Palasyo

0 8

Advertisers

HINDI saklaw ng Malacañang ang personal na nararamdaman ni dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng pahayag ng huli na ayaw niyang maging “fall guy” sa usapin ng umano’y corruption at budget anomalies.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, mas nais ng administrasyon na makipagtulungan ang dating Speaker sa isinasagawang imbestigasyon upang mapanagot ang sinumang may kinalaman sa mga alegasyon.

Iginiit ni Castro na mahalaga ang kooperasyon upang lumabas ang katotohanan.



Dagdag ng opisyal, anumang depensa ni Romualdez ay kanya na lamang, kasabay ng pagbibigay-diin na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nag-utos ng imbestigasyon upang tiyaking walang pagtatakip at maparusahan ang dapat managot.

Sa isyu naman ng command responsibility, sinabi ni Castro na hindi ito dapat gawing dahilan upang ipasa ang sisi, dahil malinaw umano ang direktiba ng Pangulo na imbestigahan ang anumang anomalya sa pamahalaan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">