Advertisers
Nanggagalite ang ilang civic groups sa SOUTH COTABATO laban sa pangasiwaan ng NATIONAL ELECTRIFICATION ADMINISTRATION (NEA) dahil sa halip na pagseserbisyo sa ikaaayos sa distribusyon ng kuryente ay tila pagseserbisyo para sa mga pansariling bulsa o pagkamal ng salapi ang pinagkakaabalahan ngayon sa nasabing ahensiya.
Kasi nga naman mga ka-ARYA.., ang mandato ng mga NEA OFFICIALS ay bilang tagapangasiwa at tagaasiste sa usaping elektrisidad para sa mga komunidad subalit ang tagapangasiwa ngayon ng nasabing ahensiya ay tila diktador umano ang sitema nito dahil namumuwersa para makontrola ang ELECTRIC COOPERATIVES.
Maigting ang kampanya ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR na sawatain ang mga katiwalian partikular na ang KORAPSIYON at magserbisyo ng tapat para sa kapakanan ng sambayanan.., subalit tila may ilan pa ring APPOINTED OFFICIALS ang hinde tumatalima sa inaadhika ng kasalukuyang administrasyon
Tulad na lamang sa ipinanggagalaite ng mga taga-SOUTH COTABATO na tila hawak ngayon ng NEA sa leeg ang mga ELECTRIC COOPERATIVE dahil napuwersa umano ng mga ito na mapasunod kung ano ang nais na ipagawa o paboran ni NEA
ADMINISTRATOR ANTONIO MARIANO ALMEDA?
Tulad na lamang sa anomalyang iniaakusa ng BANTAY KURYENTE MOVEMENT (BKM) na ang SOUTH COTABATO II ELECTRIC COOPERATIVE (SOCOTECO II) ay nakipagkutsabahan umano sa NEA OFFICIALS para sa isang “SWEETHEART DEALS” upang paboran ang MORE Power (Ignite/MORE Power).., na ito ang mangasiwa para sa COOPERATIVE POWER DISTRIBUTION.., kaya naman sasampahan ng kaso sa OMBUDSMAN ang mga ito.
“We have documents showing how the mangled the legal process of selecting partners and these actions contravenes the law. We have those documents. We also have personal experience meeting with Board of Directors where they lied to us, and we have documents where they lied to this august body (City Council of Gen. Santos)… …filing a case at the Ombudsman and the regional trial court is an option that we are very actively looking at now. And we have the documents,” pahayag ni BKM CONVENOR EDMUNDO CEJAR.
Kinumpirma naman ni ATTY. VIRGILIO ALCONERA na siyang kumakatawan sa pro-CDA conversion group gayundin ng mga bumubuo ng PEOPLE’S COUNCIL OF GENERAL SANTOS CITY na maghahain din sila ng hiwalay na kasong CONFLICT OF INTEREST laban sa NEA at kasong irregularities in the direct awarding process laban sa SOCOTECO II Board of Directors.
Ipinunto ni ATTY. ALCONERA na ang CONFLICT OF INTEREST ay kinasasangkutan ni ALMEDA at ng kapatid nito na si DONATO ALMEDA na umano’y EXECUTIVE sa PRIMELECTRIC na part-owner ng Ignite/MORE Power group.., na aniya, ang isinagawang forum noong April 15, 2026 sa DIOCESE OF MARBEL ay inamin daw ng mga miyembro ng SOCOTECO II BOARD OF DIRECTORS na pinuwersa sila ng NEA OFFICIALS para sang-ayunan o aprubahan ang “SWEETHEART DEAL.”
Isa pang matinding ikinakalampag ng iba’t ibang civic organizations ay hinggil sa kawalan umano ng proper documentations sa mahigit na P1.8 bilyon disbursement.., na ang halagang ito ay galing sa mga consumer na nagsisipagbayad ng kanilang mga electricity bills.
Naku e kailangan maipaliwanag ito ni ALMEDA bago pa tuluyang manggalaite ang mga consumer sa SOUTH COTABATO dahil ang perang koleksiyon ay dapat na nagagamit sa tamang pamamaraan lalo na sa pagmamantini ng elektrisidad., pero paano pa maipakikita nito na patas ang panunungkulan gayong namumuwersa raw ito pabor para ang kaniyang kapatid (siyempre kabahagi na rin si NEA ALMEDA) ang makakopo sa pamumuno ng electric cooperatives?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.