Advertisers

Advertisers

NBI SINUBPOENA 3 VLOGGERS NAGKALAT NA ‘GRABE’ SI PBBM

0 3

Advertisers

KINUMPIRMA ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes na naglabas na ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa tatlong vloggers na nagpakalat ng maling imporma-syon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
“Ang binigay na dokumento ng PCO para sa agarang malalim na pag-iimbestiga sa mga vlogger na nagpakalat ng pekeng patungkol sa kalusu-gan ng ating Pangulo ay nai-forward na sa NBI. At nagkaroon narin ng subpoena para sa karampatang pag-iimbestiga,” sabi ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Nauna rito, inendorso ng PCO, sa pamamagitan ng Anti-Fake News Desk (AFND), noong Abril 15 sa Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon at kaukulang legal na aksyon sa tatlong Facebook accounts na nagkakalat ng gawa-gawang impormasyon tungkol sa kalusugan ng Pangulo.
Tinukoy ni Castro ang tatlong accounts na “Crage Anderpal”, “Rigondola Ping”, at “Iloy Bugris: The Queen of Revelations.”
Sa pag-endorso nito ng rek-lamo sa DOJ, binanggit ng PCO na si Iloy Bugris ay naiulat na nagsagawa ng mga live na broadcast na nagsa-sabing ang Pangulo ay may malubhang karamdaman, habang si Rigondola Ping ay nag-post ng mga manipuladong larawan na naglalarawan sa kanya sa isang estado ng pisikal na pagkabalisa, at si Crage Anderpal ay nagbahagi ng mga gawa-gawang graphics ng balita na maling sinasabing opi-syal na kumpirmasyon ng isang malubhang kondisyon sa kalusugan.(Vanz Fernandez)